ACM ICPC 2005

http://curry.ateneo.net/asia_mnl_05/final.html Nakakapanghinayang at muntik na makuha ng alin mang koponan ng UPD ang ikatlong karangalan para sa pinakamahusay na local team. Ang aking koponan: 27 UP Wet University of the Philippines - Diliman Philippines 2 Sayang at hindi tama ang huli kong pinasa na sya sanang makapagbibigay sa amin ng lugar sa pinakamahusay na local team. Ang lalong nakakapanghinayang ay tama ang ginawa ko para sa mga sample input. Ngunit tapos na kaya bawi na lang sa uulitin....

November 2, 2005

The Legend Of Zorro

Pagkalipas ng mahabang panahon, ako ay muling nakapanood ng sine. Ang pelikula ay ang “The Legend of Zorro”. Pansinin na sa pagpapahayag na kasapi na ang California sa USA ay kumpleto na ang bituin sa bandila ng USA. Kung totoo na ang mga bituin ay simbolo ng bawat estado, may maliit na pagkakamali ang pelikula sapagkat ang California ay ang ikatatlumpu’t-isa. Samakatuwid, dapat ay tatlumpu’t-isa lamang ang bituin sa bandila.

November 1, 2005

Perl: Acronym ba o hindi?

Ayon sa http://www.philhosting.net/?menu=webhosting_faq, What are PHP, ASP, perl, etc? These are all programming languages which are referred to by their acronyms. PHP - PHP: Hypertext Preprocessor ASP - Active Server Pages Perl - not an acronym Each programming language has its own benefits and uses. It is best that you research on your own to find one that best fits your needs Ngunit hindi ba ang ibig sabihin ng Perl ay Practical Extraction and Report Language?...

October 27, 2005

Tama Na

Hindi na kita kukulitin. Hindi na kita kakausapin. Tama na ang maramot at mapaniil na hangarin. Anonymous said… oist cool lang.. btw, nice idea to log your frustration. Tuesday, October 25, 2005 11:29:00 PM Waldemar said… Hindi ko akalain na may magbabasa pala nito. Hindi lang naman puro frustration ang balak kong ilagay dito. Naghahanap lang ako ng inspirasyon. Tuesday, October 25, 2005 11:34:00 PM ie said… sha sha sabi mo eh....

October 25, 2005

Na Naman

Eto ako at muling susubukan buhayin ang blog. Nag-alis din ako ng ilang nakaraang posts sapagkat sa tingin ko ay hindi na sila kailangan.

October 24, 2005

Kathang-Isip

Tayo ay magkaibigan. Natuklasan natin na marami tayong pagkakatulad ngunit kitang-kita ang ating pagkakaiba. Sadyang hindi pantay ang antas na ating ginagalawan at kahangalan na ang pagsubok ko na pagtuntong sa antas mo. Ang pagnanais ko na lagi kang makausap ay kasakiman sapagkat ang kaligayahan ay nasa isang bahagi lamang ng pagsasama. Ang pagkakaintindi at pagkakadama mo ng aking mga nararanasan ay hindi nangangahulugan na parati kang naririyan at handang tumulong anumang oras....

June 21, 2005

Kaarawan

Maligayang kaarawan sa akin nitong nakaraang Hunyo 10. Maraming salamat sa lahat ng bumati. Maraming maraming salamat sa iyo at naging tunay na maligaya ako sa aking kaarawan.

June 12, 2005

Slurpee

Nitong mga nakaraang araw ay nabubuhay ako sa Slurpee. Ang Slurpee ng 7-Eleven na ang madalas kong bilhin ay ang medium na nagkakahalagang labing-apat na piso. Madalas na kasama ng Slurpee ay ang hotdog sandwich na spicy ang flavor. Nung una, pineapple ang madalas kong bilhin na flavor. Lasa at kulay pa lang ay sigurado akong pineapple na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Nang lumaon, aking tinikman din ang isa pang flavor doon na mukhang laging nililinis ang lagayan ngunit cola naman pala....

May 31, 2005

Panaginip

Madalas akong managinip. At sa mga panaginip na iyon, madalas ay ikaw ang paksa. Hindi ko nga alam na kung bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng lumitaw sa panaginip ko e ikaw lagi ang naroroon. Aminin ko man na madalas kitang isipin, hindi ibig sabihin non na dapat mo ring pasyalan ang mga panaginip ko. Sa dinami-rami ng mga panaginip na iyon, may isang katangi-tangi. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit sa panaginip na pagpupulong ay naroroon ka....

May 17, 2005

Isang Pasasalamat

Date unsure Isang pagkakamaling aking nagawa ay ang umibig sa hindi ko kapantay. Hitsura pa lang at ugali ay malayong-malayo na. Bagamat nagkakasundo sa mangilan-ngilang bagay, hindi ito nangangahulugan na palagay na ang loob sa isa’t-isa. Ngunit nangyari man ang dapat mangyari, hindi ako nagsisi at sa halip e labis pa akong nagpapasalamat. Ardee Aram said… Ang pilak na buwan minsa’y nagiging asul Ang bahaghari’y di madalas ngunit maaring kambal...

May 12, 2005

I Hate You

I hate you for you let me fall, over and over again, in love with you.

May 2, 2005

"Hallie, we're totally and completely 100% different!"*

Date unsure She He is beautiful is too common is highly intelligent is a class G** plays PC games doesn’t uses Windows uses GNU/Linux or Linux doesn’t like to teach likes to is a firm believer is somewhere in between is warm is cold has many admirers has none doesn’t like him likes her * Annie James, The Parent Trap ** wait for the post Of Yu Yu Hakusho and Computer Science

May 1, 2005

Five Poem Combo

Date unsure These are the poems that I submitted in my Creative Writing 10 class. I still have to submit two revised poems though. ls a bright yellow backpack a matching jacket and jeans that suits perfectly a pair of eyeglasses an exhaustive algorithm design and analysis class breezing through probability and statistics for engineers a disappointing operating systems class made bearable not a nerd summa cum laude who only cares about studying...

February 14, 2005

Of Yu Yu Hakusho And Computer Science

Date unsure Insired by the spirit classes of Yu Yu Hakusho, I will attempt to adapt the same method in classifying students in my batch at the UP Diliman Computer Science Department. Ardee Aram said… HAHA :) Sunday, November 07, 2004 1:48:00 AM

November 7, 2004