Borap

Sa pagbubukas ng bagong liwayway, matatagpuan ang isang bobong mahirap na nakatanaw sa kawalan. Itong bobong mahirap na itago natin sa pangalang Borap ay pagod na sa kakaikot at naupo muna upang magpahinga. Sa kanyang pagtunganga, hindi nya maiwasang maalala ang mga naganap sa kanyang walang kalatoy-latoy na buhay. Dalawang taon syang nagpagala-gala na walang katiyakan sa pupuntahan simula nung sya ay napadpad sa lugar na iyon. Paglalaro at pagkain lang ang kanyang inatupag kasama ang mga kapwa bobong mahirap....

September 18, 2006

Maligayang Kaarawan!

Maligayang kaarawan! Kilala mo pa ba ako? Sana oo. Ikaw, madalas ka pa rin sa isipan ko. Naaalala ko pa rin ang mga sandali na kahit papaano ay nakakausap kita. Kahit papaano ay nakakapiling kita. Kahit gaano pa kaikli ang mga sandaling iyon, naging sobrang halaga nila sa akin. Totoo yun. Nagpapasalamat ako sa iyo dahil sa mga iyon. Pero lahat ng bagay ay nagbabago. Kaya nung dumating sa punto na kinailangan na magbago ang buhay mo, sa kasamaang palad ay hindi ako nasama....

September 14, 2006

Ang Kumpanya

Kahapon, Sabado, Setyembre 9, 2006, ay nagkaroon ng pagdiriwang ang aming samahan sapagkat isang taon na kaming may sariling opisina. Nakakatuwa at nagawa naming tumagal sa gusali na iyon. Ibang klaseng kasiyahan talaga. Taong 2003 nung unang nabuo ang ideya na magtayo kami ng isang kumpanya. Habang kumakain sa Red Ribbon sa Katipunan at bangag sa Math 54, nailabas namin ang aming kagustuhang magkaroon ng isang kumpanya. Pauwi na kami nang napagkasunduan ang ipapangalan sa kumpanya....

September 10, 2006

Si Aida, si Lorna, at si Fe

Si Aida. Nakapag-usap na tayo kahit hindi pa tayo nagkikita sa personal. Iba ang pagkakalarawan mo sa akin kaya nagulat ka nung nagkaharap na tayo. Pagkatapos ng tagpo na iyon, napadalas ang ating pag-uusap. Kahit ano lang ang ating naging mga paksa pero mas naging madalas ang tungkol sa mga teknikal na bagay dahil na rin sa ating proyekto. Kahit papaano, naging malapit din tayo sa isa’t-isa. Ngayon, hindi na tayo nakakapag-usap....

September 3, 2006

Call Boy

Ako ay isang call boy. Minsan nagpapakita, minsan nagtatago at nag-aabang. Ngunit kahit ano pa man ang aking ginagawa, lagi akong handang mag-alay sa iyo ng panahon. Eto ang balikat ko upang iyong iyakan. Eto ang tainga ko upang iyong kwentuhan. Gamitin mo ang lahat ng akin upang ikaw ay guminhawa. Gulpihin mo ang katawan ko kung gusto mo maglabas ng galit o kung wala kang magawa. Ako ay isang call boy....

August 29, 2006

Bulilyaso sa Equitable PCI Bank

Ang post na ito ay hindi tungkol sa babae. Nung Biyernes, Agosto 18, 2006 naganap ang mga kabulilyasuhan na aking ilalahad. Hindi ko alam kung may salitang “kabulilyasuhan” pero ginamit ko pa rin at gagamitin ko pa kaya pagbigyan nyo na lang ako. Kung napansin nyo, “mga kabulilyasuhan” ang aking nilagay. Tama yun dahil hindi lang isa ang nangyari. Nilagay ko lang sa paksa ang Equitable PCI Bank dahil pinakamalala ang nangyari dun....

August 22, 2006

Ayun

“Ayun” ang madalas mong sabihin pagkatapos mo magkwento. Iyan din ang sinasabi mo kapag wala kang masabi. At kapag naririnig ko ang salitang iyan, naaalala kita. Mahaba pa sana ito pero nasabi ko na sa iyo ang mga plano kong isulat dito. Sana mapatawad mo ako. Ayun. Mai Sibayan said… waldemar - korni forever :D Collectors’ item na iyung mga status mo sa YM. Friday, August 18, 2006 2:58:00 PM...

August 17, 2006

Ang Extra sa Buhay Mo

Kanina, habang kumakain ako ng Crispy Chicken Strips ng Jollibee ay sumagi ka sa isipan ko. At sa tuwing napapagawi ka sa aking kamalayan, naaalala ko ang mga pangyayari sa buhay ko na kinasangkutan mo. Natanong ko tuloy sa sarili ko ang hindi ko man lang natanong sa iyo. Ano kayang tingin mo sa akin? Ang pagkakaalam ko ang unang tingin mo sa akin ay isa akong sabog na tao. Nakilala mo kasi ako nung mga panahong ako ay naka-“gupit-waldemar”, ani nga ni Ardee, at laging tulog sa klase....

August 8, 2006

Adik sa Iyo

Nag-umpisa ang lahat sa iyong pagtatanong ng ilang bagay tungkol sa ating aralin sa CS 131 o Numerical Methods. Hindi ko na matandaan ang ginagawa ko nun pero ang alam ko ay nagulat ako nang biglang nakita ko ang iyong pangalan sa pag-notify ng Gaim sa akin na may bago akong mensaheng natanggap. Nagulat talaga ako kasi pinansin mo ako. Bagamat hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-usap tayo, ang alam ko ay hindi naman tayo magkakilala at hindi rin naman tayo nag-uusap kaya hindi ko kailanman inasahan na mamamansin ka....

July 30, 2006

Online Friends

Para sa mga taong madalas mag-online, para sa mga taong gumagamit ng IRC, para sa mga taong may IM, para sa mga taong nage-email, para sa mga taong nagpaparamdam sa Internet . . . para sa inyo ito. High school na ako nung una kong nadiskubre ang electronic mail o email. Naglagay ang kuya ko ng Edsamail sa kompyuter at aba naman ok sya. Biruin mo e hindi mo na kailangang mag-online para gumawa ng email....

July 19, 2006

Save

Sa mga makakabasa nito, ugaliing mag-save. Aksidente kong na-refresh ang browser at nawala lahat ng sinusulat ko. Ang haba pa naman nun. Huhuhu.

July 16, 2006

Dalawang Pangarap

Meron akong dalawang pangarap dati. Pero bago pa may magtanong ay sasabihin ko na na hindi sila natupad. Ano ang dalawang pangarap? Nasa baba ang kasagutan. Nung tumuntong ako sa kolehiyo, nawala ang kapaligiran ko dati sa high school na “Section 1”. Yun bang inaasahan ng mga guro na dapat ay mataas lagi ang mga marka mo sa lahat ng mga asignatura o kaya ang manalo sa mga patimpalak na isinasali ka o kaya ang simpleng pakiramdam na dapat ay angat ka sa nakararami....

July 7, 2006

UP

https://photos.app.goo.gl/n67N1RUHjjzt51Ti8 Diwa del Mundo said… Hoy bag ko yon ah! Wednesday, July 05, 2006 5:35:00 PM Waldemar Bautista said… Bagong raket mo. Linis bintana. Saturday, July 22, 2006 3:57:00 AM Wigi Vei ウィジヴェイ said… Astig talaga yung mga sumasayaw sa Shell. Bagong species. Sunday, July 23, 2006 2:45:00 PM XXXX YYYY said… Lufet papa Wali! Friday, August 04, 2006 1:08:00 AM

July 4, 2006

La Mesa Eco Park

https://photos.app.goo.gl/KfkU5hVjprMQpXNP6 Wigi Vei ウィジヴェイ said… Help save the La Mesa Watershed! Sarap ng ating field trip. And dami kong nakita na mga animal. Hanep din ang diskoberi natin ng Homo Ngarat species. Monday, July 03, 2006 5:52:00 PM Diwa del Mundo said… The best ang outing! Outing ulit tayo in the near future. Ang dami nating specie ng animal ang nakita. wahoo! Monday, July 03, 2006 9:52:00 PM Waldemar Bautista said…...

July 2, 2006

HyperMedia

https://photos.app.goo.gl/wDk2Sh1kfq7RWVaw8 Diwa del Mundo said… Ang kewl naman ng office natin, mukhang high-tech. har har Monday, July 03, 2006 9:57:00 PM Wigi Vei ウィジヴェイ said… May nude pictures ng computers. Astig! Monday, July 10, 2006 7:18:00 AM XXXX YYYY said… Aba kilala ko yan. Akin yan ah. Sikat na ako! Este gitara ko pala… Tuesday, August 22, 2006 6:32:00 PM XXXX YYYY said… Potaragis. Tuesday, August 22, 2006 7:57:00 PM

July 2, 2006

Busy

Sa tuwing kita ay nakikita parang lagi kang sumusugod sa giyera. Humahangos ka rito, tumatakbo ka roon. Ang dami-dami mong ginagawa. Ang dami-dami mong inaasikaso. Sa tuwing nangyayari yung nabanggit ko sa taas, nahihirapan ako. Hindi ko pa sigurado kung ano ang dahilan pero ang alam ko totoo iyon. Minsan gusto na kita pigilan pero wala naman akong dahilan. Minsan naman gusto kong makitakbo sa iyo. Ay ngayon ko lang naisip pero ang dahilan kaya ay dahil gusto kitang makasama at kahit ano pa ang iyong pinagdadaanan ay gusto kong makiramay?...

June 26, 2006

Ako si Ngarat

Sabi ni Diwa, ang ngarat ay isang taong nangagarap ng isang pangarap na alam naman nyang imposibleng matupad. Ganun ako. Ako si ngarat. Una kitang napansin ng aking narinig ang iyong magandang pag-awit ng “Tell Me Where It Hurts”. Hindi pa kita nakikita nun. Ang alam ko lang ay naririnig ko na ang pangalan mo at ng iyong grupo. At sa tuwing naririnig ko ang kantang iyon, naaalala na kita. Pero hanggang dun lang iyon....

June 26, 2006

Ako si Tanga

Gustong-gusto ko talaga na nakakausap ka. Masaya ka kasi kausap e. Maraming kwento ang iyong mga mata. Tapos kapag ngumiti ka, ay nako, natutunaw ako. Kahit nga hindi kita nakakausap minsan ay nagsasalita na lang ako mag-isa at nangangarap na marinig mo ang mga sinasabi ko. Naririnig ko naman ang mga tugon mo kaya huwag kang mag-alala kahit malayo ka pa. Kapag naglalakad ako o kaya ay nakasakay sa dyip o kaya ay may kausap o di kaya ay nag-iisa o kahit ano pa ang aking ginagawa o kahit saan pa ako dalhin ng aking mga paa, madalas akong mag-isip ng mga bagay-bagay na sasabihin sa iyo kapag dumating na ang panahon na nasa harap kita at tayo ay muling nag-uusap....

June 22, 2006

Modules How-to in Hypworks

Before we proceed in the steps on how to create a module in Hypworks, let us first define Hypworks. So what is Hypworks? From its website which is located at http://hypworks.sourceforge.net, Hypworks is an MVC PHP framework designed to modularize and ease the development of web applications, together with various tools like Smarty and ADODB. Now we have the definition out of the way, we can start now on how to make a module in Hypworks....

June 7, 2006

Test

Isa lamang itong pagsubok.

June 3, 2006