Kung Nagseryoso Lang Ako sa Pag-aaral

Tapos na ang sem at isang exam na lang ay tapos na ang buhay ko bilang mag-aaral sa UP naming mahal kaya panahon na naman para mag-drama. Sa buong panahon na inilagi ko sa UP (5 years and 1 sem) ay ngayon lang ako nakaranas na makakuha ng mga matataas na marka sa mga exam. Ngayon ko lang sinubukan na seryosohin ang pag-aaral at kitang-kita naman ang resulta. Payagan nyo na ako magyabang at ngayon ko lang nadiskubre na maganda rin pala sa pakiramdam ang ganung bagay....

October 10, 2007

Pagbati

Iilang tao na nga lang ang binabati ko kapag kaarawan nila e dalawa pa sa kanila ang hindi man lang tumugon. Eto ang aktwal na pangyayari: sumapit ang daling-araw at nasa harap pa rin ako ng computer araw na pala ng iyong kapanganakan nag-PM ako sa iyo kahit offline ka at bumati ng “Happy birthday!” nag-online ka sa araw na iyon pero di ka nag-reply Dalawang beses na ito nangyayari....

October 4, 2007

Bagong Mukha ng Borap.net

Aba at iba na ang itsura ng Borap.net. Ang lumang mukha ay matatagpuan dito. Ayun lang. Mai Sibayan said… Nawalan ng kulay! Hehe. Tuesday, September 25, 2007 9:54:00 AM Jobelle Avengoza said… reciprocal linking naman tayo… dali na ha… oi… lagay na kita sa klengots ha… Tuesday, September 25, 2007 10:20:00 AM Waldemar Bautista said… Wala kasing gulay. Tuesday, September 25, 2007 11:58:00 AM Waldemar Bautista said… HIndi pwede kasi dapat personally involved ako sa isang site na nakalagay dun....

September 25, 2007

? at !

Matagal ko na itong gustong isulat ngunit di ko lang mahanapan ng panahon. At sa mga panahong hinayaan kong lumipas e lalo pang tumindi ang pag-abuso ng mga ito. Ano ba ang aking tinutukoy? Makikita na sa paksa ang kasagutan. Walang iba kundi ang pag-abuso sa ?, !, at ang mga kapatid nilang pananda (eto ba ang tamang filipino ng puncutation marks?). Bakit ba kailangang lagyan ng maraming ? ang dulo ng isang tanong?...

September 19, 2007

Napag-iwanan

I Ako ay napag-iwanan na. Malayo ka na at narito pa rin ako. Kung saan-saan ka na napunta at kung anu-ano na ang nagawa mo subalit narito pa rin ako at parang inaalikabukan na. Binaon mo na ako sa limot kahit hindi mo pa sinasadya yun. At wala akong magawa dahil hindi naman ako naging mahalaga sa iyo. Hindi ako naging mahalaga sa iyo kahit naging mahalaga ka sa akin. At hanggang ngayon, wala pa ring nababago sa pagpapahalaga ko sa iyo....

September 14, 2007

Quotable Quotes

“Everything should be done in moderation.” “As long as there is balance, there is moderation.” “Kaya huwag mag-aanak ng maaga.” “Ang taong gustom dapat kumakain.” “To lose a best friend is to lose love.” “Tayo ay bobong mahirap lamang.” “Ang pamilyang nagmamahalan, maunlad at may kapayapaan.” “Pag walang pumatol, humanap ng foreigner.” “Walang pangit sa $\*@^! galit!” “Ngarat man ay tao rin.” Galing dito. megan dino said… “To lose a best friend is to lose love....

September 9, 2007

Halalan

Tama na muna ang drama at may nangyaring nakakapagpasaya. Tama na muna ang kalungkutan at may nangyaring nakakataba ng puso. Makikita ang bagay na ito sa http://student.bpcc.edu/halalan/result/. Wow at may gumamit ng Halalan. Wow talaga. Ang site pala ng Halalan ay http://halalan.sourceforge.net/. Ako nga pala ang lead developer ng Halalan. Sikreto lang yan. Ay ang yabang na. Balik na sa drama at kalungkutan. Ardee Aram said… mahusay! A. Sunday, September 09, 2007 11:03:00 AM...

September 9, 2007

Universities in the Philippines

Presenting the universities in the country. UP - University of the Philippines PNU - Para Ngang UP UST - UP Sana Tayo ADMU - Ayaw Daw Mag-UP DLSU - Di Lumusot Sa UPCAT FEU - Failed to Enter UP MAPUA - Meron Akong Panaginip, UP Ako SLU - Sana Lang UP CEU - Cannot Enter UP ST. PAUL - Sana Talaga Pumasa Akong UPCAT, Lord PUP - Pekeng UP Pasensya na sa mga natamaan....

August 31, 2007

My Thoughts Right Now

slurpee ayun waldy pizza maraming cute na babae sa pilipinas pero kaunti lang sa kanila ang mabait ang tagal ng lucky star at higurashi no naku koro ni kai raket raket raket kailangan ko na matulog kailangan na maaga ang gising dapat na matapos ang cms halalan ang sakit na ng mata ko ang pathetic ng buhay ko ano sa filipino ang pathetic bored ka kaya mo ito binabasa a...

August 25, 2007

Pagod

Nakakapagod pala ang maraming ginagawa. Dahil sa aking kapangahasan, pinagsabay-sabay ko ang negosyo na ganito, negosyo na ganun, at negosyo na ayun. Bukod sa tatlong negosyo ay may mga extra-curricular activities at side projects pa ako. At nag-aaral pa pala ako. Sa una ay di naman ako nakakaramdam ng pagod. Napakasipag ko nga lakarin ang mga bagay-bagay para maisaayos ang pundasyon ng mga nabanggit na negosyo. Punta ako dito, tungo ako doon....

August 11, 2007

Lost My Music - Aya Hirano

August 5, 2007

God Knows... - Aya Hirano

August 5, 2007

Bouken Desho Desho? - Aya Hirano

August 5, 2007

God knows... and Lost My Music - Haruhi Suzumiya, Yuki Nagato, and ENOZ

August 5, 2007

Programming

Nami-miss ko na mag-program. Bagamat katatapos ko lang nung isang araw ang MP sa 131, hindi ako nito napaligaya. Hinahanap-hanap kong muli ang mga araw at gabing walang tulugan upang mag-program lamang. Kay sarap sa tainga ng takatak ng keyboard. Kay sarap sa pakiramdam ng tahimik na kapaligaran tuwing madaling-araw. Nagbabalik ang mga ala-ala. Nami-miss ko na mag-program. Kaya eto. May niluluto akong mga maliliit na proyekto para mapagbigyan ko ang sarili ko....

August 4, 2007

Kailan Pa

Kailan pa naging “guguluhin ko ang buhay mo kaya burahin mo na lahat ang mga online account mo na alam ko” ang “miss na kita”? VT Galang said… Hmmm… Saturday, July 28, 2007 8:50:00 AM Ardee Aram said… sino ba yan? Si T*****-t**nn*-*ie**e o si J**ni-jen-***? O si D*lin-d****e-***nne? Sunday, July 29, 2007 4:34:00 PM Ardee Aram said… Sabi sayo eh. Love is a scam. Sunday, July 29, 2007 4:35:00 PM...

July 28, 2007

Bagong Inspirasyon

Unti-unting nawawala ang mga pait ng nakaraan. Marahil dahil sa kaabalahan kaya nakakalimutan ang kalungkutan. Kahit na may laman pa rin ang puso at isipan. Hindi maitatanggi ang dulot mong kasiyahan. VT Galang said… Baw Thursday, July 19, 2007 12:42:00 AM XXXX YYYY said… nagd-drugs ka na no? Thursday, July 19, 2007 1:24:00 AM Tonio SM said… Ikwento mo naman sa amin Waldy. Thursday, July 19, 2007 10:02:00 AM Luis Pugoy said…...

July 19, 2007

Majority of UPD CS Students are Whiners

Syempre, karamihan sa mga CS na makakabasa nito ay hindi sa akin sang-ayon. Ayos lang yun. Nasa pang-anim na taon na ako sa CS kaya marami-rami na rin akong nakilala at naobserbahan. Katunayan ay tatlong batch na ang nadaanan ko. Ang 2002 kung saan ako talaga kabilang, ang 2003, at ngayon ay ang 2004. Bakit ko ba nasabing whiners ang karamihan sa mga CS? Kapag may problem set na parating, isang nakakairitang “aaaaaaa” ang maririnig buhat sa bibig ng karamihan....

July 11, 2007

Huwag Kang Manhid

Oo, ikaw nga. Huwag kang manhid. Hindi mo man lang maramdaman na nasasaktan ako sa silent treatment mo. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako binibigyan ng silent treatment kung hindi ay wala ka lang talagang pakialam na sa akin. Hindi mo man lang maramdaman na hinahanap-hanap kita. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako iniiwasan kung hindi ay wala lang talagang pagkakataon na nasa iisang lugar tayo....

July 2, 2007

One's Happiness is Another's Sadness

Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa kaligayahan at kalungkutan. Sinasabi ng ating paksa na ang kaligayahan ng isa ay kalungkutan naman ng isa pa pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ano ang nais nitong iparating sa mga bobong mahirap na kagaya ko? Iyan ay ating matutuklasan matapos ang walang kwentang post na ito. Nais ko sanang himayin at tadtarin ng pinong-pino ang paksa. Gusto kong ungkatin ang mga kahulugan ng bawat salita hanggang sa pinakaugat nito....

June 21, 2007