Ang yebe ay snow. Karamihan sa atin ay minsan ding nangarap na sana ay umulan nito sa Pilipinas. Marami rin ang nais makapaglaro sa snow. Maraming masasayang bagay ang maaaring gawin sa snow.

Ngunit ang snow ay hindi palaging masaya. Ang snow ay yuki sa Hapon. Karamihan sa mga anime characters na may pangalang Yuki ay malamig ang ugali. Halimbawa nito si Yuki Nagato ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya at si Yuki Sohma ng Fruits Basket. Umuulan din ng snow nung namatay si Nello at si Patrash.

Gusto ko maging snow. Syempre hindi ko tinutukoy ang pisikal na anyo. Gusto ko maging snow ang aking kalooban. Gusto ko maging malamig ang pakikitungo ko sa mga tao. Gusto ko itago na lang ang lahat sa pinakaibuturan ng puso ko. Gusto ko tigilan na ang mag-alala sa kalagayan mo. Gusto ko maging snow.

Darating ang panahon na matutunaw ang snow pero sa ngayon, gusto ko balutin ang sarili ko nito.


VT Galang said…
Niyebe ata yun sir Hehehe. Yeba! Pero mukhang hindi yuki ang nasa puso mo kundi apoy. Nagaapoy ang dibdib ni Waldemar. Kukuku.
Monday, March 12, 2007 2:41:00 AM

megan dino said…
tsong nyebe nga ata un. :D
Monday, March 12, 2007 4:39:00 AM

Waldemar Bautista said…
Pasensya na po. Isa lamang akong bobong mahirap.
Monday, March 12, 2007 8:49:00 PM

VT Galang said…
Ako din ay isang bobongmahirap.com Lolz. Oy edit mo na.
Monday, March 12, 2007 11:31:00 PM