Iilan lang ang nagbibigay sa akin ng regalo pero gagawa pa rin ako ng wish list at baka may biglang makabasa at maawa at magpadala ng regalo.

Eto ang mga materyal na bagay.

  • sinturon - wasak na sya e tsaka high school ko pa gamit
  • tsinelas - kapag umuulan e madalas ako muntik madulas kasi wala na siyang kapit
  • sudoku book - yung bawat page may sudoku na sasagutan
  • damit - di kasi ako bumibili ng damit at naghihintay lang ako na may magbigay
  • pantalon - tignan ang damit para sa dahilan tsaka luma na rin sila

Eto ang mga hindi materyal na bagay.

  • CRS - gusto ko na matapos ang bagong version na sobrang husay
  • MS - gusto ko pa paghusayan ang pag-aaral
  • bakasyon - gusto ko makapagpahinga kahit papaano

Eto lang muna sa ngayon. Update ko na lang ito kapag may naisip pa ako.

Updates:

  • Wed Nov 5 00:23:25 PHT 2008 - payong
  • Thu Nov 13 10:57:17 PHT 2008 - may payong na ako
  • Sat Dec 6 20:57:08 PHT 2008 - may magbibigay na ng patpat
  • Thu Dec 18 12:27:49 PHT 2008 - may patpat na ako

Paolo Sy said…
ako rin.
Monday, November 03, 2008 4:05:00 AM