Kanina (kahapon na pala) ang pangatlong Alone Time ko. Pero gaya nung dalawang una, hindi na naman ako alone. Kasama ko si Kyle, Red, at Wigi.

Teen love ang paksa dahil iyan ang nangibabaw na pangyayari sa Alone Time na ito. Isisingit ko na lang habang sinasalaysay ko ang mga ginawa ko ngayon.

Sa TriNomNom uli kami nagpunta. Mula UP ay dumiretso kami sa Timezone. Nag-basketbol uli ako dahil iyon lang ang kaya kong gawin bukod sa pagkanta. Hindi na kasi ako marunong mag-Marvel v Capcom 2. Yung 1 nga lang nun ang natapos ko e. Tsaka dalawang beses ko pa lang yata nalalaro yung 2. Sayang at hindi ko na-break ang pinakamataas kong marka sa basketbol na 169. Nagsubok din pala ako ng House of the Dead. Yung tatlong kasama ko ay nag-drums. Babalikan daw ni Red yun. Hehe.

Mula Timezone ay bumaba kami sa Landmark para mag-withdraw si Kyle at Red. Dito naganap ang isang eksenang nababagay sa mga teen-oriented na palabas gaya ng G-Mik at Click. Hehe. Papunta na kami sa escalator na pababa ng first floor nung may nadaanan kaming isang lalaki at isang babae na nagpapaalam sa isa’t-isa. “Mata ashita ne.” Hehe. Si lalaki ay tumalikod na at sumakay na sa escalator. Si babae naman ay nagpunta sa dulo lang ng escalator. Nung nilingon ko si lalaki ay mukhang napakasaya at napapa-hop, step, jump pa sa kanyang pagbaba sa escalator. Tinignan ko uli si babae at nakatingin sya kay lalaki hanggang sa hindi nya na ito matanaw. Ayos.

Naka-withdraw na si Kyle at Red at nagpunta kaming SM North para kumain sa Sbarro dahil laging puno ang Sbarro sa TriNomNom. Hindi naisama ng cashier ang binili kong spaghetti sa iba ko pang binili kaya nakatipid ako ng pera. Joke lang. Sinabi ko yun sa cashier at nagbayad naman ako. Di ko naubos ang pizza. Ang dami e.

Matapos sa Sbarro ay nag-Bubble Tea kami. Di ko maintindihan ang lasa nung binili ko. Hehe.

Tapos, uwian na. Uwian na. Uwian na.


VT Galang said…
Waaaah! Alone time pala kahapon! Waaaah!!! Bubble tea!!!
Thursday, March 27, 2008 2:12:00 AM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Mahusay yang mga escalator moments eh!
Friday, March 28, 2008 7:59:00 PM

Jobelle Avengoza said…
nakakainggit… gusto ko kumanta sa timezone…
Wednesday, April 02, 2008 2:21:00 AM

Waldemar Bautista said…
Ay nakow. Nung birthday mo nag-Timezone kami. Ako lang halos kumanta.
Wednesday, April 02, 2008 3:26:00 AM