Nitong mga nakaraang araw ay nabubuhay ako sa Slurpee. Ang Slurpee ng 7-Eleven na ang madalas kong bilhin ay ang medium na nagkakahalagang labing-apat na piso. Madalas na kasama ng Slurpee ay ang hotdog sandwich na spicy ang flavor.

Nung una, pineapple ang madalas kong bilhin na flavor. Lasa at kulay pa lang ay sigurado akong pineapple na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Nang lumaon, aking tinikman din ang isa pang flavor doon na mukhang laging nililinis ang lagayan ngunit cola naman pala.

Ang Slurpee ang naging bago kong kaibigan. Saksi sya sa kulo ng aking tiyan at sa init ng aking ulo. Gumuguhit sya sa aking lalamunan na nagbibigay ng kakaibang aliw sa aking katawan. Sagot sya sa aking mga pangangailangan. Hindi rin nya ako binibigyan ng brain-freeze.

At ngayon, muli akong nananabik sa muli naming pagkikita.


ie said…
ooh, erotic.
Wednesday, June 01, 2005 10:50:00 AM