Matagal ko na itong gustong isulat ngunit di ko lang mahanapan ng panahon. At sa mga panahong hinayaan kong lumipas e lalo pang tumindi ang pag-abuso ng mga ito. Ano ba ang aking tinutukoy? Makikita na sa paksa ang kasagutan. Walang iba kundi ang pag-abuso sa ?, !, at ang mga kapatid nilang pananda (eto ba ang tamang filipino ng puncutation marks?).

Bakit ba kailangang lagyan ng maraming ? ang dulo ng isang tanong? O kaya naman ay maraming ! ang nasa dulo ng isang pangungusap na nagsasaad ng damdamin? Pakipaliwanang nga ang pagkakaiba ng “Ano ang pangalan mo?” at ng “Ano ang pangalan mo???” o ng “Ang borap mo!” at ng “Ang borap mo!!!”. Kung ang sagot dito ay mas makabagbag-damdamin o mas maraming emosyon ang maraming ? at ! e hindi ako sang-ayon dito. Kailan pa naging panukat ng damdamin ang ? at !? Ang “Mahal kita ****!!!!!!!!!!” e mas tatagos ba sa puso mo kaysa sa “Mahal kita ****!!!”?

Siguro mangmang lang ako sa dahilan kung bakit maraming gumagamit ng maraming ? at ! sa kanilang pakikipagtalastasan. Masyado lang siguro akong maarte at ayoko sa maraming ? at !. Sige tapos na ako. Kayo naman ang umaway sa akin.


Mai Sibayan said…
Kapag nakasulat, mahirap malaman ang tono ng boses. Iyung dami ng punctuations ginagamit ng mga tao pameke nung tono. Iba ang dating kung ang boss mo ganito ang nilagay:
What is this?
Kaysa sa
What is this???
Iyung una, nagtatanong. Iyung pangalawa, dinudusta ang iyong ginawa. Iba sila.
Wednesday, September 19, 2007 8:42:00 AM

Waldemar Bautista said…
Ganun ba yun? Para sa akin kasi ay walang pinag-iba yan kasi nasa nagbabasa ang desisyon kung bibigyan nya ng ibang kahulugan yang dalawang yan. Samakatuwid, kahit isang ? o marami pa ang ilagay ng nagsusulat e hindi nya hawak ang magiging interpretasyon nito sa magbabasa. Kung ganun lang din. para sa akin ay mas magandang isa na lang ang gamitin dahil mas eleganteng tignan at tipid ba sa space at bandwidth. Hehe.
Wednesday, September 19, 2007 12:24:00 PM

Mai Sibayan said…
skimping on the bytes ba? XD
Wednesday, September 19, 2007 1:03:00 PM

karl santos said…
ang dami mong sinasabi wali!!!!!!!!!!!!!!!!
Wednesday, September 19, 2007 1:46:00 PM

karl santos said…
kleng to!!!!!!! kay red pa lang account nagamit ko no?????
Wednesday, September 19, 2007 1:47:00 PM

Ardee Aram said…
ano??????????????????? di ko gets??!?!?!?!??!?!?!??!?!?!?!?!??!?!?!
Wednesday, September 19, 2007 4:41:00 PM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Hmmm. Sa 4chan, !!!!!!!1111111 ang uso!
Wednesday, September 19, 2007 6:22:00 PM

Mai Sibayan said…
Oo nga! PWND!!!111!!11!
Wednesday, September 19, 2007 6:28:00 PM

Ardee Aram said…
FGSFDS!!!!11111
Wednesday, September 19, 2007 6:51:00 PM

RJ Arce said…
!!!!!111one!!
Friday, September 21, 2007 12:23:00 AM