Nami-miss ko na mag-program.

Bagamat katatapos ko lang nung isang araw ang MP sa 131, hindi ako nito napaligaya. Hinahanap-hanap kong muli ang mga araw at gabing walang tulugan upang mag-program lamang. Kay sarap sa tainga ng takatak ng keyboard. Kay sarap sa pakiramdam ng tahimik na kapaligaran tuwing madaling-araw. Nagbabalik ang mga ala-ala.

Nami-miss ko na mag-program. Kaya eto. May niluluto akong mga maliliit na proyekto para mapagbigyan ko ang sarili ko.


XXXX YYYY said…
Pa-program naman nitong ginagawa ko… Sige na… pagbigyan mo ang sarili mo…
Sunday, August 05, 2007 12:42:00 PM