Sa ating paghihiwalay sa SM North, sana sinamahan kita hanggang sa makasakay ka.

Sa pag-txt mo na manood tayo ng sine, sana nagising ako ng maaga para nabasa ko agad ang paanyaya mo at natuloy sana tayo.

Sa pag-uwi mo galing sa isang pagpupulong, sana hinatid na kita hanggang sa bahay nyo at hindi lang sa sakayan.

Sa pagsabi mo ng isang mahalagang bagay, sana wala na lang sya sa isipan ko para mas napansin ko ang sinabi mo.

At ngayon, hinahanap ko ang pangungulit mo.

At ngayon, nag-iiba ka sa paningin ko.

Eto na naman ako, wala na namang depensa.

Eto na naman ako, aray aray aray.


Diwa del Mundo said…
Ang dramatic talaga ni Pareng Wally!
Sunday, January 28, 2007 2:09:00 PM

Frances Joy said…
Sayang naman. :D
Sunday, January 28, 2007 6:11:00 PM