Hindi ako ang panganay. Sa katunayan nga ay pang-apat ako sa limang magkakapatid. Ngunit ngayong 2008, pakiramdam ko ako ang panganay.

Ako kasi ang kinukulit ng nanay ko na gawin ang ganito at gawin ang ganyan. At dahil kailangan ng pera para magawa ang ganito at magawa ang ganyan, napipilitan tuloy akong mag-isip kung saan kukuha ng pera. Alam nyo bang nakakaapekto sa katinuan ang pag-iisip kung paano magkakapera? Lalo tuloy nadadagdagan ang pagiging masungit, malungkot ang pananaw sa buhay, at walang social life ko.

Bakit ba naging ganito? Ang kuya ko kasi ay nasa malayong lugar. Ang ate at diko ko naman ay kukuha ng board exam ngayong taon. At ang bunso ay high school pa lang. Kaya ayun. Ako ang natira kaya ako ang dapat kumilos.

Ako ang dapat kumilos.


Jobelle Avengoza said…
okay lang yan friend… isipin mo nalang maraming taong nasa lansangan ang hindi kumakain ng tama, walang natitirahan… at least ikaw guwapo at maraming nagkaka-crush…
tanga! wag ka masyado maging malulungkutin tsaka masungit - mamamatay ka ng maaga niyan. believe me coz im the expert, you know…
Sunday, February 24, 2008 1:35:00 PM