Natalo ako. Di ko natupad ang Alone Time at Magpapakabait na Ako. May iba pa ata akong sinabi na di ko rin natupad. Pero, at least, hindi pa rin ako umiinom ng softdrinks simula nung sinabi ko na hindi na ako iinom. Nakainom pala ako ng kaunti ilang araw matapos ko sabihin iyon pero hindi naman sadya.

Dapat talaga tinatago ko na lang ang mga ganyang bagay kagaya ng aking masayang lihim.