Nakakapagod pala ang maraming ginagawa.

Dahil sa aking kapangahasan, pinagsabay-sabay ko ang negosyo na ganito, negosyo na ganun, at negosyo na ayun. Bukod sa tatlong negosyo ay may mga extra-curricular activities at side projects pa ako. At nag-aaral pa pala ako.

Sa una ay di naman ako nakakaramdam ng pagod. Napakasipag ko nga lakarin ang mga bagay-bagay para maisaayos ang pundasyon ng mga nabanggit na negosyo. Punta ako dito, tungo ako doon. Madalas ang aking pakikipagsapalaran sa mga kalsada ng kabihasnan.

Pero nitong mga nakaraang araw o linggo na yata, bigla na lang akong nanghina. Ayaw iwan ng katawan ko ang malamig na kama. Lagi na lang ako nakahilata sa bahay. Huwag sana mabasa ng mga kasosyo ko sa negosyo ito.

Napapabayaan ko na ang mga dapat hindi pabayaan. Kailangan ko ng mapagkukunan ng lakas. Kailangan ko ng inspirasyon. Kailangan ko ng magbabalik sa akin sa tamang landas. Kailangan ko ikaw. Kailangan ko ikaw makalimutan.

Kailangan ko ikaw makalimutan nang sa gayon ay hindi na ako magmukmok dito at manghinayang sa mga posibleng nangyari sana sa ating dalawa. Kailangan ko na maialis ang mga ala-ala nang sa gayon ay muli kong mapagtuunan ng pansin ang mga dapat pagtuunan ng pansin.

Nakakapagod pala ang maraming drama sa buhay.


Ardee Aram said…
“Huwag sana mabasa ng mga kasosyo ko sa negosyo ito.”
Nabasa ko na… tsk tsk tsk…
Sinabawang gulay lang yan.
Saturday, August 11, 2007 9:33:00 PM

Waldemar Bautista said…
Kakaunti lang talaga ang nakakaalam kung nagbibiro ako o hindi.
Saturday, August 11, 2007 9:48:00 PM

Tonio SM said…
Nako, kailangan mo na nga talaga siya malimutan.
Tuesday, August 14, 2007 8:12:00 PM

Mai Sibayan said…
Ang tagal ko na gusto itanong, sino ba iyong mutya? Yihee! :D
Tuesday, August 14, 2007 8:39:00 PM

Waldemar Bautista said…
Makakakuha ka ng clue sa comment ni Ardee sa http://ramedlaw.multiply.com/journal/item/62.
Tuesday, August 14, 2007 10:04:00 PM

Mai Sibayan said…
Tatlo un ah! :D
Wednesday, August 15, 2007 11:01:00 AM

Waldemar Bautista said…
Depende sa mood ko kung sino sa tatlo ang gagawan ko ng post.
Wednesday, August 15, 2007 8:23:00 PM