Malayo ka na. Hindi ko na matanaw ang likod mo.

Hindi na kita kilala. Wala na akong alam sa iyo.

Kahapon lang nasa tabi kita. Kahapon lang kausap pa kita.

Dahil sa mga tao sa paligid lumayo ka. Dahil sa akin lumayo ka.

Hindi ko inalagaan ang damdamin mo. Wala akong ginawa.

Ang paglayo mo ngayon ko nararamdaman. Hinahanap-hanap na kita.

Ngunit mahirap na ibalik ang nakaraan. Hanggang tingin na lang ako sa malayo.


VT Galang said…
Lapitan mo kaya ulit? Grrrr.
Monday, February 12, 2007 5:17:00 PM