Nag-iisa

Sa dami ng mga tao sa paligid, ako ay nag-iisa. Sa dami ng mga nakakausap araw-araw, ako ay nag-iisa. Sa dami ng mga gawain bawat saglit, ako ay nag-iisa. Sa dami ng mga pagkakataong sinayang, ako ay nanatiling nag-iisa.

February 25, 2007

Bridge to Terabithia

Sa Reviews ko sana ilalagay ang isusulat ko pero hindi ko naman talaga gagawan ng review ang librong ito kaya dito na lang. Bukas ay ipapalabas na ang interpretasyon sa sine ng librong ito. Hindi ako gaanong napapahanga ng mga palabas sa sine na hango sa libro (gaya ng Harry Potter) kaya hindi ako gaanong umaasa na mabibigyang hustisya ng palabas sa sine ang libro. Gayunpaman, panonoorin ko pa rin ito....

February 20, 2007

Isang Tingin Mo Lang

Simula nung hindi na tayo nag-uusap ay napakaraming bagay na ang naisip ko tungkol sa iyo. Busy ka. Yan ang dahilan kaya hindi na tayo nag-uusap. Napansin ko naman na totoo yun at wala akong reklamo dun. Naghintay ako sa araw na hindi ka na abala. Hindi pa dumarating ang araw na iyon. Asa pa akong may pakialam ka sa akin. Dahil sa tagal ng paghihintay, ito ang napagtanto ko. Ayos lang naman sa akin....

February 15, 2007

Paglayo

Malayo ka na. Hindi ko na matanaw ang likod mo. Hindi na kita kilala. Wala na akong alam sa iyo. Kahapon lang nasa tabi kita. Kahapon lang kausap pa kita. Dahil sa mga tao sa paligid lumayo ka. Dahil sa akin lumayo ka. Hindi ko inalagaan ang damdamin mo. Wala akong ginawa. Ang paglayo mo ngayon ko nararamdaman. Hinahanap-hanap na kita. Ngunit mahirap na ibalik ang nakaraan. Hanggang tingin na lang ako sa malayo....

February 10, 2007

Naulit Muli

Ayokong isipin na ganun pero parang ganun na nga. Bigla na lang tayo hindi nagpapansinan. Ako na naman siguro ang may kasalanan. Nangyari na sa akin ito dati. Ilang beses na. Laging nauuwi sa hindi pagpapansinan. May malaking mali talaga sa akin. Kasi hindi naman ikaw ang una. Hindi rin naman siguro ikaw ang huli. Hindi ako marunong matuto. Sabi ko pa naman dati na gagawin ko ang lahat para hindi mauwi sa ganito ang sitwasyon....

February 4, 2007

Pangs of Regret

Sa ating paghihiwalay sa SM North, sana sinamahan kita hanggang sa makasakay ka. Sa pag-txt mo na manood tayo ng sine, sana nagising ako ng maaga para nabasa ko agad ang paanyaya mo at natuloy sana tayo. Sa pag-uwi mo galing sa isang pagpupulong, sana hinatid na kita hanggang sa bahay nyo at hindi lang sa sakayan. Sa pagsabi mo ng isang mahalagang bagay, sana wala na lang sya sa isipan ko para mas napansin ko ang sinabi mo....

January 27, 2007

Pagsusulat

Dati pa ako nagsusulat. Tula, kwento, kanta, komiks (kahit hindi ako marunong gumuhit), at iba pa. Ang pagsusulat ang isa kong gawain nung ako ay bata. Kapag hindi ako naglalaro mag-isa ng basketbol sa kainitan ng araw, kapag hindi ako nagbibisikleta mag-isa sa ginagawang subdivision, kapag hindi ako nagpapatintero kasama ang mga kapwa bata sa kapaligiran, at iba pang mga karaniwang ginagawa, ako ay nagsusulat. Minsan sa taas ng puno at minsan naman ay hindi....

January 20, 2007

Bobong Mahirap

Mai Sibayan said… Ano nangyari sa iyo? Monday, January 15, 2007 7:52:00 AM Diwa del Mundo said… The best! Monday, January 15, 2007 7:14:00 PM Waldemar Bautista said… Isang maliit na operasyon para alisin ang kung ano man ang nasa taas ng aking kanang mata at nasa baba ng aking kaliwang mata. Hehe. Monday, January 15, 2007 8:29:00 PM VT Galang said… Taena kala ko lagbu ka na! Friday, January 19, 2007 12:17:00 AM...

January 14, 2007

Yosi

Paano ba manigarilyo? sindi hitit buga ulitin ang bilang 2 at 3 at singitan ng pagdahak at pagdura kung kinakailangan ulitin ang bilang 2 hangang 4 habang hindi pa ubos ang sigarilyo ikalat ang upos kumain ng kendi ikalat ang balat Maawa naman kayo sa kalikasan. ia lucero said… Tama! Thursday, January 18, 2007 3:59:00 AM

January 7, 2007

Social Life

Matanong ko lang po, ser, mam. Saan po ba nakakabili ng social life? Tonio SM said… Parang logic yan eh, hindi nabibili. Monday, January 01, 2007 11:19:00 PM Wigi Vei ウィジヴェイ said… Matatagpuan ito sa kanta ng Linkin Park na “Somewhere I Belong.” Tuesday, January 02, 2007 6:22:00 PM

January 1, 2007

Tahimik

Hindi na nakakapag-update. Hindi na nagpapansinan. Walang pagkakataon mag-usap. May gustong sabihin pero hindi masabi. Tatahimik na lang ba? Katahimikan. Wigi Vei ウィジヴェイ said… “Silence is crying, is crying Open doors and Empty glasses, Christmas in the Silent Forest The limp ticking of the hand” Christmas in the Silent Forest, Ilaria Graziano Thursday, December 14, 2006 8:18:00 AM

December 12, 2006

Takot

Eto na naman. Napansin ko lang na nitong mga nakaraang araw (o linggo na ba ang inabot?) na hindi na tayo nakakapag-usap gaya ng dati. Ano ba ang nangyari at nagkaganito? Nagkakasawaan na ba tayo? O abala lang ba tayo sa kanya-kanyang gawain? O di kaya ay marami lang tayong iniisip? Nakakahilo isipin at hindi ko alam ang mga kasagutan. Malamang sa ating dalawa ay ako lang ang nakakaisip nito. Sigurado ako na ni minsan ay hindi mo naisip na nagkakalayo na tayo....

November 28, 2006

Call Boy Again

Hindi pala madali maging call boy. Puno pala ang trabaho na ito ng pagtitiis at paghihirap. Wala itong oras na pinipili. Basta kapag kailangan dapat ay nandyan. At ang pinakamahalaga, huwag na huwag hahaluan ng emosyon ang trabaho. Masasaktan lang ang damdamin. Hindi naman maiiwasan na pagbuhusan minsan ng nararamdaman. Parte ng trabaho yan e. Ang dapat lang tandaan ay huwag magpaapekto. Malaking pagkakamali kapag hindi nagawa yan. Nakakawala ng konsentrasyon....

November 19, 2006

Makalipas ang Higit sa Isang Taon

Makalipas ang higit sa isang taon na paninirahan sa opisina, dito na muli ako titira sa bahay namin. Makalipas ang higit sa isang taon na pagkain-kain sa labas, makakatikim na muli ako ng lutong-bahay. Makalipas ang higit sa isang taon na pakikisalamuha sa mga tao, makakasama ko na muli ang aking mga kapamilya. Makalipas ang higit sa isang taon na pakikibagay, magagawa ko na muli ang mga gusto ko. Makalipas ang higit sa isang taon na kalungkutan, malungkot pa rin ako....

November 12, 2006

The Caliraya Experience

Balak ko talaga isulat agad ito pero nawalan ako ng panahon. Kaya bago ko pa makalimutan, eto na. Eto na. Umalis kami ng bahay ng lampas tanghali. Sayang at hindi kasama ang aking ate at ang aking diko. Mas masaya sana kung kumpleto. Sa Antipolo kami dumaan papuntang Laguna at dahil sa kakapuyat nitong mga nakaraang araw, nakatulog agad ako sa biyahe. Nung malapit na kami, lumihis muna kami ng daan upang kumain....

November 5, 2006

Status Message

Acquaintances. That is all. Insignificant. I am.

November 4, 2006

Caliraya

October 29, 2006

Hello

Sinasagutan ko na ang pagsusulit nung napansin ko na lumapit ka sa bag ko. Habang sumasagot, laging sumasagi sa isipan ko na may magandang mangyayari. Natapos ang pagsusulit at nagpunta na ako sa bag ko. May tsokolate na Hello. Maraming salamat.

October 17, 2006

Ayoko

Ayoko. Ayoko na maging malungkot. Ayoko na maging sinungaling. Ayoko na mag-isip. Ayoko na sabihing ayoko sa iyo. Ayaw mo sa akin. Wigi Vei ウィジヴェイ said… Sino ang tinutukoy? Palagay ko, ayaw sabihin ni Wali. Hehehe! Monday, October 16, 2006 12:08:00 AM XXXX YYYY said… Ayoko nga daw eh hehehe. Hindi niya sasabihin. Monday, October 16, 2006 2:20:00 PM Tonio SM said… Mahal mo siya, pero hindi mo siya iniibig....

October 15, 2006

Mga Puno

Naaalala ko nung bata pa ako, madalas akong nasa tuktok ng puno ng duhat namin. Kunwari raw isa akong piloto at ang puno ng duhat ang spaceship. Maganda kasi ang hugis ng puno na iyon. Para syang tatsulok at pag nasa tuktok ka, halos wala ka nang magalawan. May mga sanga na maaaring maging upuan. Ang ibang sanga ay maaari maging manibela. Yung iba pang sanga ay mga pindutan. Sa tuktok na iyon ko sinasagupa ang mga kalaban....

October 12, 2006