Huwag Kang Manhid

Oo, ikaw nga. Huwag kang manhid. Hindi mo man lang maramdaman na nasasaktan ako sa silent treatment mo. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako binibigyan ng silent treatment kung hindi ay wala ka lang talagang pakialam na sa akin. Hindi mo man lang maramdaman na hinahanap-hanap kita. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako iniiwasan kung hindi ay wala lang talagang pagkakataon na nasa iisang lugar tayo....

July 2, 2007

One's Happiness is Another's Sadness

Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa kaligayahan at kalungkutan. Sinasabi ng ating paksa na ang kaligayahan ng isa ay kalungkutan naman ng isa pa pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ano ang nais nitong iparating sa mga bobong mahirap na kagaya ko? Iyan ay ating matutuklasan matapos ang walang kwentang post na ito. Nais ko sanang himayin at tadtarin ng pinong-pino ang paksa. Gusto kong ungkatin ang mga kahulugan ng bawat salita hanggang sa pinakaugat nito....

June 21, 2007

Writer's Block

Hindi ako writer pero sa ngayon ay masasabi kong nakakaranas ako ng writer’s block. Bakit? Kasi walang update ang Frustrations. At ang Borap Tech. At ang Borap Lit. At hindi ko pa nasisimulan ang mga Coming Soon sa Borap.net. Bakit naman nagkaganun? Kasi lagi akong inaantok. At tanghali na ako nakakabangon. At kulang na kulang ako sa inspirasyon. At mag-uumpisa na naman akong mag-drama. Huwag na lang. Dominic Diamante said…...

June 15, 2007

Maligayang Kaarawan!

00:02 - Wigi 00:05 - bunso 00:35 - VT 01:51 - Bimbo 07:21 - nanay 07:22 - tatay 10:06 - Marte at Dean 11:07 - ate 13:29 - Rogelio 13:57 - kuya 19:00 - Lauren 20:55 - Tonio VT Galang said… Aba! Andiyan pa rin kayo kina Ardee@!!!!??? Monday, June 11, 2007 1:43:00 AM

June 11, 2007

Ang Ala-ala ng Slurpee

Binabawasan ko na ang pagdadrama ko. Hindi na nga ako nagpo-post e. Hindi na rin ako nanggugulo ng mga tao. Hindi na rin ako umaasa. Hindi na nga ako nag-iisip ng mga bagay na tungkol sa bahaging ito ng buhay ko. Pero mahirap malimutan ang mga ala-ala. Lalo na kung ikaw mismo ang nagpaalala. Matagal na kitang hindi nakita at mas matagal na kitang hindi nakausap pero dahil sa pasikot-sikot ang aking landas na tinatahak ay muli kitang nakatagpo....

June 3, 2007

Ngipin Update

At ginawa kong makulay ang buhay ng aking mga ngipin. Nitong nakaraang Biyernes ay bumalik ako sa dentista para sa pagbunot ng ngipin ko. Sa kabutihang palad, hindi pa ito binunot. Susubukan pa itong iligtas at nilagyan muna ng temporary pasta. Tapos ay oobserbahan ng isang linggo. Kapag hindi sumakit, gagawing permanente na ang temporary pasta at hindi na bubunutin yung ngipin. Sa ngayon ay hindi naman sya sumasakit. Kaunting-kaunting sakit lang paminsan-minsan....

May 28, 2007

Dalawang Ngipin

Nitong nakaraang Huwebes ay napadalaw ako sa dentista dahil sumasakit ang ngipin ko. Hindi ko inakala na pagkatapos nung pagdalaw na iyon ay kinakailangan ko na magpaalam sa dalawa kong ngipin. Ang unang ngipin ay bubunutin sa susunod na Huwebes. Normal na paraan ng pagbunot ang gagamitin. Ito yung ngipin na sumasakit ilang araw na ang nakalipas. Ang pangalawang ngipin ay pinayo na bunutin bago matapos ang taon. Hindi normal na paraan ang pagbunot na gagawin....

May 19, 2007

Kulam

Hindi ito tungkol sa kulam. Nagkataon lang na nitong mga nakaraang araw hanggang sa kasalukuyan ay nakakaranas ako ng iba’t-ibang uri ng pananakit ng katawan at gusto ko na lang isipin na may kumukulam sa akin. Body ache. Sumasakit ang likod ko na sa tingin ko ay dahil sa hindi ko pagtulog. Wala pang sandalan ang upuan ko sa harap ng computer kaya malamang ay ito ang may-sala. Dagdag pa, sumasakit din paminsan-minsan ang kaliwang braso ko....

May 12, 2007

131

First Take Dalawa o tatlong beses lang ako pumasok. Ganun din ang karamihan sa mga kaklase ko. Nagpapakita lang ang karamihan sa amin kapag may pagsusulit. Isa na ako dun. Hindi kasama ang pagpapakita na iyon sa dalawa o tatlong beses kong pagpasok. Pangit ang resulta ng aking mga pagsusulit. Ngunit malaki ang pag-asa pumasa. Ang paggawa ng 3 MP at 3 research ay katumbas ng pagpasa. Sinubukan ko gumawa. Nagpaturo pa ako sa isa kong kaklase sa isang tindahan sa Katipunan....

May 8, 2007

Loner

Naalala ko dati sa klase ko na Geog 1 nung 1st sem ng aking pangalawang taon sa UP ay nag-field trip kami sa Mount Banahaw at sa iba pang lugar na may talon na hindi ko na matandaan ang pangalan. Natatawa ako sa aking ginawa sa field trip na iyon. Hindi ako nagsalita buong araw. Ang bus na sinakyan namin ay medyo maliit. Ang upuan nya ay dalawahan sa column ng driver at isahan sa kabila....

May 1, 2007

Tech Blog

Isang beses ay kausap ko si Bonyang tungkol sa buhay-buhay at nasabi ko sa kanya na bigyan nya ako ng ideya para may maisulat ako. Nabanggit nya na gumawa na lang ako ng isang tech blog para maibahagi ko naman daw ang aking mga nalalaman sa ibang tao. Kaya eto. Eto na ang aking tech blog.

April 21, 2007

Karma

Hindi ako naniniwala sa karma ng buo pero minsan ay may mga pangyayari talaga na mahirap ipaliwanag kaya napapaisip ako na malamang ay karma nga iyon. Gaya nito. # pacman --sync --refresh --sysupgrade Ang command na ito ay nagre-refresh ng package list at nagu-upgrade ng mga package na outdated. Araw-araw ko ito ginagawa. Araw-araw naman na walang problema. Kung meron man, maliit lang. Pero bakit? Bakit kanina (kahapon na pala) ay bigla na lamang sumabog ang sistema ng computer ko?...

April 11, 2007

Para

Ang post na ito ay para sa mga taong mayabang. Ang post na ito ay para sa mga taong sinungaling. Ang post na ito ay para sa mga taong mataas ang tingin sa sarili. Ang post na ito ay para sa mga taong kinalimutan ang pinagmulan. Ang post na ito ay para sa mga taong akala mo kung sino magsalita pero wala namang ibubuga. Ang post na ito ay para sa mga taong nangunguha ng credit ng iba....

April 8, 2007

Pagsusulat Rewind

Ito ay isa lamang pagtanggap sa aking kabiguan na matupad ang sinabi ko dati sa isa kong post. Ako ay isang bano. Talaga.

April 6, 2007

A Long Time Ago, We Used to be Friends

Nakita ko ang paksa sa isang status message ni Todz sa Yahoo! at mukhang sakto ito sa aking sentimyento. Bagamat hindi naman ganun ka-“long time ago” nung huli ko silang nakausap, parang ganun na rin ang pakiramdam sa sobrang patay ng linya ng komunikasyon na namamagitan sa amin. Pero matagal na rin talaga yun. Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nung huli ko silang nakausap ng maayos? Hindi ko na maalala....

March 29, 2007

Ang Paglalakad

Nitong nakaraang Lunes ay ang huling pagsusulit ko sa aking Walking for Fitness na klase. Simple lang naman ang pagsusulit na ito. Hindi na kailangang mag-aral pa. Ang gagawin lang naman ay bababa sa Balara papuntang Tumana tapos babaybayin ang kahabaan ng ilog hanggang sa makarating sa Riverbanks. Humigit-kumulang na 18 kilometro ito. Mga 30 minuto bago ang takdang oras ng paglalakad ay nasa tagpuan na ako. May mga pagkakataon kasi na hindi ako nakakaabot o kaya ay nahuhuli ng dating dahil huli na ako pinapalabas sa klase ko bago nito....

March 22, 2007

False Happiness

Kung may false hope, may false happiness din. Ano ba ang false happiness? Ayon sa aking karanasan, ang false happiness ay isang uri ng emosyon na alam mong dapat maging maligaya ka ngunit dahil sa maraming dahilan ay di mo magawa. Depende sa tao ang kadalasan na maramdaman ito. Halimbawa, kapag natupad na ang matagal nang pinapangarap ng isang tao na sa pagkakaalam nya ay sa panaginip lang maaaring mangyari tapos ay natupad lang iyon dahil sa isang di sinasadyang pagkakataon, sa ganitong sitwasyon nya maaaring maramdaman ang false happiness....

March 18, 2007

Martir

Panahon na ba para lumayo? Dapat na bang sumuko? Kahit ang damdamin ay hindi mapagbibigyan, hangad pa rin ang iyong kaligayahan.

March 15, 2007

Yebe

Ang yebe ay snow. Karamihan sa atin ay minsan ding nangarap na sana ay umulan nito sa Pilipinas. Marami rin ang nais makapaglaro sa snow. Maraming masasayang bagay ang maaaring gawin sa snow. Ngunit ang snow ay hindi palaging masaya. Ang snow ay yuki sa Hapon. Karamihan sa mga anime characters na may pangalang Yuki ay malamig ang ugali. Halimbawa nito si Yuki Nagato ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya at si Yuki Sohma ng Fruits Basket....

March 11, 2007

Pag-amin

“you were supposed to tell me something right?” Hindi na kailangang pahabain pa. Bigla mo akong napaamin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Wigi Vei ウィジヴェイ said… Kahit ang pinakamabangis, minsa’y panis rin. Sunday, March 04, 2007 5:53:00 PM VT Galang said… Ang bangis ng venom. Sa Pilipino, kamandag. Ni Badjula. Kuko pala. Sunday, March 04, 2007 9:32:00 PM

March 3, 2007