Teen Love
Kanina (kahapon na pala) ang pangatlong Alone Time ko. Pero gaya nung dalawang una, hindi na naman ako alone. Kasama ko si Kyle, Red, at Wigi. Teen love ang paksa dahil iyan ang nangibabaw na pangyayari sa Alone Time na ito. Isisingit ko na lang habang sinasalaysay ko ang mga ginawa ko ngayon. Sa TriNomNom uli kami nagpunta. Mula UP ay dumiretso kami sa Timezone. Nag-basketbol uli ako dahil iyon lang ang kaya kong gawin bukod sa pagkanta....