Sando at Tsokolate

Hindi ko alam kung kilala ko talaga ang sarili ko pero sa tingin ko naman ay kilala ko kahit papaano. Sa katunayan, alam ko na ang pamumuhay ko ay may pagkasimple. Kung ano lang talaga ang mga kailangan ko ang meron ako. Siguro ang kalabisan lang sa mga pagmamay-ari ko (pagmamay-ari raw o) ay mga libro at mga CD/VCD. Dun lang napupunta ang pera ko kung sakaling may sobra. Tsaka syempre sa mga masasarap na pagkain....

December 16, 2012

Wali Garte

Kilala niyo ba si Willy Garte? Eto siya -> Hindi ako yan. Pero nakahiligan ko talaga ang kanta niya na Bawal na Gamot. Lagi ko itong kinakanta sa tuwing nakakakanta ako sa mga bidyokehan. At dahil sa itsura kong laging mukhang sabog sa droga at sa pangalan na malapit sa Willy, talagang naikabit na sa akin ang pangalang Wali Garte. Eto ako -> Isang bihirang pagtatanghal noong Disyembre 17, 2005 sa Christmas Party ng HyperMedia....

November 29, 2012

This Blog is Dead

At sinabi na ng paksa ang lahat. Hanapin nyo na lang ang bago ko. EDIT: October 6, 2006 ito talaga naka-post nung lumipat ako sa Multiply. Pero nilipat ko na lahat ng post ko galing Multiply papunta dito dahil magsasara na raw sila. Bump ko lang sa taas ito para magsilbing notice.

October 31, 2012

Kaarawan

2009-06-09 20:01 - Bonyang 22:26 - Jam 23:58 - Rys 23:58 - Aica 2009-06-10 00:03 - Raiza 00:03 - Alex 00:04 - Randal 00:07 - Paolo 00:07 - RK 00:10 - JJ 00:14 - Wigi 00:18 - RJ 00:21 - Ardee 00:23 - Ia 00:28 - Gerry 00:30 - Kenan 00:39 - Marte 00:42 - Kleng and Karl 01:35 - Jepy 04:07 - Ardee 06:22 - Red 06:23 - Beth...

June 11, 2009

Pambura

Parang gusto ko na burahin ang account ko dito. Haha. Tutal naman hindi ko na naa-update ito e. Puro drama pa halos ang mga nakasulat. Mga drama sa buhay na walang kwenta. Kung anu-ano pala sinusulat ko dati. Haha. Ang lungkot ko pala dati. Nakakagawa pala ako ng mga mahahabang post. Hindi ko mabasa ng buo ang ilang mga post ko. Haha. Burahin ko na kaya? Ay parang huwag na lang siguro....

April 4, 2009

Malungkot

Malungkot na ang blog ko. Hindi ko na siya gaano napapansin o. Panay Plurk na lang kasi ako. Haha. Hindi ako ang malungkot. Yung blog ko lang. Sana maging masaya rin siya gaya ko. Ako kasi ay masayang-masaya. Gusto ko pa magblog. Kaso wala akong masulat. Haha. Next time na nga lang.

March 5, 2009

Buhay Update

Oo. Buhay pa ako. Wala pa pala akong post ngayong 2009 kaya naisipan ko na sabihin ang mga nangyayari sa akin ngayon kahit wala naman kayong pakialam. Hehe. Ako ay full-time programmer sa UP, part-time programmer sa Katipunan, part-time student sa UP, 40-minutes-a-week preschool teacher sa San Mateo. Samakatuwid, ako ay lampas sa 2 tao. Haha. Hindi na ako nakakapagblog kasi tinatamad ako magkwento. Isa pa, marami sa mga gusto ko iblog e bawal....

January 22, 2009

Ang Aking 2008

Gaya-gaya ako sa mga tao kaya magpopost din ako ng mga nangyari sa akin ngayong 2008. Timezone - sumobrang dalas ang pagpunta ko rito MS - umpisa ng pag-aaral ng MS bawal and softdrinks - umpisa ng hindi ko pag-inom ng softdrinks nood sine kasama ang mga mababangis - parang 2008 lang ata nag-umpisa kami manood ng sine ng sama-sama aray - may mga kadramahan pa rin masayang lihim - tignan na lang ang post ko tungkol dito dati mas masayang lihim - may isa pa akong lihim na matagal pa bago dapat ibunyag Eto lang ata....

December 31, 2008

Things to Do

Dahil may mandatory Christmas leave kami, matagal-tagal din ako makakapaglagi dito sa bahay. Kaya naisip kong gumawa ng listahan ng aking mga gagawin. Eto na sila. gawin ang pinapagawa sa MS - may mga proyekto kami para sa bakasyon Halalan at ACReS - kailangan mapahusay pa para sa planong paggamit nito sa early 2009 magligpit ng gamit - may bago akong bookshelf kaya kailangan magligpit manood ng mga anime - marami pang nakapila kaya kailangang mabawasan na sila maglaro ng NBA Live 2004 - nasa 4th season pa lang ako ng dynasty mode maglaro ng GDAmania - kailangan magpraktis magDM - haha CRS - syempre kailangan pa rin gumawa ayusin ang borap....

December 18, 2008

Meron at Wala

Meron dapat akong ipo-post ngayon pero wala na siya e.

November 23, 2008

Wish List

Iilan lang ang nagbibigay sa akin ng regalo pero gagawa pa rin ako ng wish list at baka may biglang makabasa at maawa at magpadala ng regalo. Eto ang mga materyal na bagay. sinturon - wasak na sya e tsaka high school ko pa gamit tsinelas - kapag umuulan e madalas ako muntik madulas kasi wala na siyang kapit sudoku book - yung bawat page may sudoku na sasagutan damit - di kasi ako bumibili ng damit at naghihintay lang ako na may magbigay pantalon - tignan ang damit para sa dahilan tsaka luma na rin sila Eto ang mga hindi materyal na bagay....

November 2, 2008

Hindi Na Makapagsulat

Hindi na ako makapagsulat. Naubos talaga ang aking enerhiya at nagbakasyon ang aking brain cells dahil sa isang medyo komplikadong programa na aking sinagupa. Sa katunayan nga ay hindi pa kami tapos sa aming pagtutuos pero sabi ko sa kanya e timeout muna. Subalit hindi rin tatagal ang aking pagpapahinga dahil kailangan ko na siyang magapi para tuluyang umayos ang sistema. Hindi rin talaga ako nakakapagpahinga dahil patuloy pa rin ang dating ng mga kailangang gawin....

October 27, 2008

Busy Days

Ito na yata ang mga araw na sobrang abala ako. Siguro meron din dati pero hindi ko na maalala. Inubos ng batch run ang oras at enerhiya ko. Tapos bago pa nun e inabot kami ng mga 3 ng umaga sa TriNomNom nung Sabado dahil sa tsismisan. Tapos laging hating gabi pa ako nakakauwi dahil kailangan bantayan ang preenlistment. Tapos may MP pa. Tapos may mga bug pa ang batch run....

October 16, 2008

Disorganized

I’ve been here for a long time now. I’m neither going forward nor backward. I’m staying put without any clear reasons. I’m the only one left now. All of them have already moved on. To where the lands are green and the skies are blue and the earth is alive and new. You don’t know me. They don’t know me. Nobody has the time to understand me. Everything is a joke if it concerns me....

October 3, 2008

Pangakong Napako

Natalo ako. Di ko natupad ang Alone Time at Magpapakabait na Ako. May iba pa ata akong sinabi na di ko rin natupad. Pero, at least, hindi pa rin ako umiinom ng softdrinks simula nung sinabi ko na hindi na ako iinom. Nakainom pala ako ng kaunti ilang araw matapos ko sabihin iyon pero hindi naman sadya. Dapat talaga tinatago ko na lang ang mga ganyang bagay kagaya ng aking masayang lihim....

September 26, 2008

Masayang Lihim

Ang masayang lihim ay ang lihim na ikaw lang ang nakakaalam. Narinig ko pa nga dati sa kung saan na hindi na matatawag na lihim ang isang lihim kung alam na ito ng higit sa isang katao. Ako ay may lihim. Isang pangyayari na nagpasaya sa akin. Mababaw lang ito pero sa dami ng mga nangyayaring kadramahan sa buhay ko e sapat na ito para mapasaya ako. Wala akong balak pagsabihan ng lihim na ito....

September 21, 2008

Once a Borap, Always a Borap

Ilang araw ko na pinag-iisipan itong ME pero wala pa rin akong maisip na magandang solusyon. Kapag naman may nakita ako na mukhang pwede e ang hirap naman i-implement tapos habang kino-code ko e may mga lilitaw na cases na hindi pala sya pwede. Kapag borap, laging borap. Sa tingin ko talaga ay kulang lang ako sa katalinuhan upang makapag-isip ng mga masisigasig na solusyon. Wala namang ibang bagay na bumabagabag sa akin na posibleng makasira sa aking konsentrasyon....

September 9, 2008

Geni

Paano gumawa ng family tree sa Geni kahit hindi mo lagyan ng laman ang first name, last name, email, at gender? Pumunta sa http://www.geni.com/. I-click ang “Start My Tree!”. May lilitaw na “Please enter a first name” sa baba ng form. I-disable ang JavaScript. I-click uli ang “Start My Tree!”. May lilitaw na message na kailangan daw ng Geni ang Flash at JavaScript. I-enable ang JavaScript. Mag-click sa kahit saan....

September 4, 2008

Panaginip

Hindi ko na sasabihin kung ano ang panagainip na yun kasi hindi ko pwede sabihin. Sana lang ay huwag na maulit ang masaklap na panaginip na iyon. Tonio SM said… Alam na kung tungkol kanino! Este… tungkol saan! Friday, August 29, 2008 1:19:00 PM Waldemar Bautista said… Ayan ka na naman. Friday, August 29, 2008 7:19:00 PM Ardee Aram said… ang yummy naman ng panaginip mo.Haha! Saturday, August 30, 2008 9:51:00 PM...

August 29, 2008

Maraming Bagay

Maraming bagay ang dapat gawin. Maraming bagay ang dapat isipin. Maraming bagay ang ginagawa para makausad. Maraming bagay ang ipinagpapaliban. Maraming bagay ang ayaw na pakialaman. Maraming bagay pa ang dapat malaman ngunit iisa lang ang hinahanap-hanap.

August 26, 2008