Iilang tao na nga lang ang binabati ko kapag kaarawan nila e dalawa pa sa kanila ang hindi man lang tumugon.

Eto ang aktwal na pangyayari:

  • sumapit ang daling-araw at nasa harap pa rin ako ng computer
  • araw na pala ng iyong kapanganakan
  • nag-PM ako sa iyo kahit offline ka at bumati ng “Happy birthday!”
  • nag-online ka sa araw na iyon pero di ka nag-reply

Dalawang beses na ito nangyayari.

Malamang ay di lang natanggap ang mensahe ko. O kaya naman ay hindi nabasa. Pero bakit ganun? Yung isa naman na binati ko sa ganyang paraan ay tumugon. Ibig sabihin ay dumarating ang mensahe. Ibig sabihin ay may posibilidad na nabasa ngunit di lang pinansin.

Kung ano man ang dahilan sa hindi pagtugon ay siguradong kasalanan ko. Pero hindi ako papalupig. Kahit hindi nyo ako pansinin, patuloy ko pa rin kayong babatiin. Makukulitan din kayo sa akin.


Jobelle Avengoza said…
buti nga.
Thursday, October 04, 2007 10:21:00 AM