Para sa mga taong madalas mag-online, para sa mga taong gumagamit ng IRC, para sa mga taong may IM, para sa mga taong nage-email, para sa mga taong nagpaparamdam sa Internet . . . para sa inyo ito.

High school na ako nung una kong nadiskubre ang electronic mail o email. Naglagay ang kuya ko ng Edsamail sa kompyuter at aba naman ok sya. Biruin mo e hindi mo na kailangang mag-online para gumawa ng email. Gagawin mo lang yun kung ipapadala mo na ang iyong nagawa. Sobrang tipid na sya para sa mga dial-up ang gamit.

Dahil sa Edsamail, nagawa kong padalhan ng email ang babaeng gusto ko nung high school. Bukod sa papel at sa telepono, ginamit ko na rin ang Internet para makapanligaw. Yun e kung panliligaw na ang tawag dun sa ginawa ko. Naudlot ang aking paggamit ng email simula nung nagpabayad na ang Edsamail.

Nakilala ko ang Internet Relay Chat o IRC nung tumuntong ako sa kolehiyo. Napadalas ang aking pagtambay sa #up channel sa irc.undernet.org. Marami-rami rin akong nakilalang tao na iba’t-ibang uri ang personalidad. Naging inspirasyon pa nga ang isang usapan doon ng aming tinatayong kumpanya.

Dahil sa IRC, natuto akong ibahin ang aking pagkatao. Kasi pwede mo namang sagutin ng kahit ano ang CTC, ASL, at iba pa. Natuto rin ako mag-download ng mga mp3. Nawala ang aking interes na makisalamuha sa IRC simula nung naging abala ako sa maraming bagay. Siguro nga ay para sa mga may libreng oras ang IRC.

Bumalik ako sa paggamit ng email dahil sa ibang bagay na. Hindi ko na ito ginagamit sa pag-ibig. Naging mabisang tulay ito para sa aking pakikipagtalastasan. Sabay ng aking pagbabalik sa email, natuto rin akong gumamit ng Instant Messenger o IM. Para sa akin, pinakagusto kong gamitin ang IM.

Natutuwa ako sa IM lalo na ang kakayahan nitong magpakita ng status. Madalas ipahiwatig ng status ang nasa sa loob ng isang tao na hindi nya kayang sabihin. Nakakakatawa pero madalas ay ganun ako.

Sa aking madalas na pag-online sa IM, nagkaroon ng mga panahon na may madalas akong makausap. Tuwing online kami pareho ay nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Marami-rami na rin silang nakwentuhan ko ng aking buhay dahil sa pag-aakala ko na hindi na sila mawawala. Na kapag nag-online sila ay makakausap ko sila. Nagkamali pala ako.

Dumating sya at nawala. Tapos sya. Tapos sya pa. Tapos sya rin. Ikaw, na madalas kong makausap ngayon, alam kong hindi rin magtatagal ay hindi na tayo makakapag-usap pa. Hindi ko na hahayaang umabot dun. Hindi ko na hahayang mapalagay ang sarili ko sa iyo. Hindi na ako magsasalita pa.

Mahirap para sa akin yun dahil sa hindi ko matukoy na dahilan gusto kong may nakakausap na ibang tao bukod sa mga nakapaligid sa akin. Gustuhin ko mang kausapin ka, susubukan kong hindi dalasan. Susubukan ko ring limitahan ang mga sasabihin ko. Susubukan ko ring hindi magparamdam.

Ang pagkakaibigan na nabuo online ay hindi nagtatagal. Bukod sa hindi mo nakikita ang kausap mo, maaaring iba ang pagkakaintindi mo sa pagkakaintindi nya sa mga salitang dumadaloy sa inyong dalawa. At gaya nga ng aking karanasan, bigla na lang darating sa punto na hindi na kayo magpapansinan kahit online pa kayong dalawa.


vanie castro said…
very well said. sad but true.
Wednesday, July 19, 2006 2:03:00 AM

Diwa del Mundo said…
Kewl
Wednesday, July 19, 2006 7:09:00 PM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Iyan ay pruweba na mas mahusay ang relasyong “Offline Friends.”
Wednesday, July 19, 2006 8:23:00 PM

Waldemar Bautista said…
Oo nga pero bakit patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa mga tao online?
Saturday, July 22, 2006 4:01:00 AM

vanie castro said…
dahil may mga taong mahirap kausapin sa personal.
Sunday, July 23, 2006 12:53:00 PM

Orly Tarun said…
ganto yan wally, parang text din yan eh.. masarap makipagtext pero text lang yun, hanggang dun lang yun. Kung gusto mo ng masinsinan ay LIGAWAN mo. Persistent, gaya ng theme ng UnPLUG, huwag mo silang titigilan sa text man o sa personal nilang buhay dahil ang kadalasang nangyayari nyan ay maaalala ka nya at maiisip nya ang mga mabubuting ginawa mo sa kanya. Kaya, huwag ng umasa sa online, imbitahan mo na makipagdate, get her cell number at bolahin mo (hwag to, onti lang naman. praise her clothes, her earings etc..)!. kung denied man, ok lang ganun talaga. masakit pero ganun talaga. hehe..
Tuesday, July 25, 2006 11:39:00 AM

Waldemar Bautista said…
Dahil required na may Multiply account ang pwede mag-reply, pinapalagay na lang ito ni RJ.
“Lapitan mo kasi Waly, malay mo, inaantay ka lang. Mahirap yung ganun e, malalaman mo na andun din siya tapos wala kang nagawa. Malay natin, hindi ba? Kapag ayaw, ganun talaga, sabi nga ni Orly. Kapag gusto, aba, matuwa ka. Magugulat ka na lang, inii"stalk” ka rin pala niya gaya ng pag"stalk" mo sa kanya."
Thursday, July 27, 2006 11:35:00 PM

XXXX YYYY said…
nararamdaman mo naman un kung may gusto sau o wala e. tanggapin mo na lang manligaw ka na lang ng iba.
Saturday, July 29, 2006 12:04:00 AM

XXXX YYYY said…
Huwaaah!!! Huhuhu ***
Friday, August 18, 2006 1:17:00 AM

XXXX YYYY said…
Hoy kleng loko loko ka. Wag mo saktan si Waldemar. Joke. Bati na tayo lahat ah.
Friday, August 18, 2006 1:18:00 AM