Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa kaligayahan at kalungkutan. Sinasabi ng ating paksa na ang kaligayahan ng isa ay kalungkutan naman ng isa pa pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ano ang nais nitong iparating sa mga bobong mahirap na kagaya ko? Iyan ay ating matutuklasan matapos ang walang kwentang post na ito.

Nais ko sanang himayin at tadtarin ng pinong-pino ang paksa. Gusto kong ungkatin ang mga kahulugan ng bawat salita hanggang sa pinakaugat nito. Pero hindi ganun ang mangyayari dito sa post na ito. Sasabihin ko lang kung bakit ko naisip ang paksa.

Nakita ko ang status mo sa Yahoo! at alam kong masaya ka. Sana ay masaya ka talaga. At ang status na iyon na nagpapahiwatig na masaya ka ang nagpalungkot sa akin.

Tapos na.