Ilang araw ko na pinag-iisipan itong ME pero wala pa rin akong maisip na magandang solusyon. Kapag naman may nakita ako na mukhang pwede e ang hirap naman i-implement tapos habang kino-code ko e may mga lilitaw na cases na hindi pala sya pwede.

Kapag borap, laging borap.

Sa tingin ko talaga ay kulang lang ako sa katalinuhan upang makapag-isip ng mga masisigasig na solusyon. Wala namang ibang bagay na bumabagabag sa akin na posibleng makasira sa aking konsentrasyon. Hindi naman ako malungkot. Totoo.

Kapag borap, laging borap.

Sa mga panahon na ganito ko naiisip na masaya siguro magkaroon ng kaibigang babae na sasamahan ako sa aking pagpupuyat sa pamamagitan ng pagkekwento ng mga masasayang bagay. Pero syempre, imposible yun.

Dahil kapag borap, laging borap.


Reginald Eli Deinla said…
Di ko madecypher tuloy kung ano talaga ang kwento sa likod neto! XD
Tuesday, September 09, 2008 1:33:00 AM

Tonio SM said…
Sabi na kulang ka lang sa pag-ibig e.
Tuesday, September 09, 2008 2:26:00 PM

Ardee Aram said…
kispirin at yakapsul, yan ang solusyon. Tsaka kiss sabayhag. Haha!
Tuesday, September 09, 2008 6:59:00 PM

Waldemar Bautista said…
Huli ang pagka-“ang bait-bait ko” mo o.
Tuesday, September 09, 2008 10:09:00 PM

RJ Arce said…
Ngayon ko lang narinig ito sa tanang buhay ko. Mahusay! Benta benta! Hehe.
Tuesday, September 09, 2008 10:51:00 PM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Tambay ka sa IRC tulad ng dati.
Wednesday, September 10, 2008 9:08:00 AM

Jobelle Avengoza said…
babae na naman? mag-bayad ka na kasi. hehehe
Tuesday, September 16, 2008 10:50:00 AM

Waldemar Bautista said…
Inaaway mo na naman ako.
Wednesday, September 17, 2008 2:01:00 AM