Nakita nya sya nung araw na yun. Naglalakad na may kasamang lalaki papunta sa tagpuan ng pagpupulong. Wala pa syang pakialam sa kanya dahil hindi naman talaga nya sya nakakausap. Naririnig lang nya ang pangalan nya paminsan-minsan sa mga usapan nya at ng mga kasama nya. Tinutukso pa nga nya ang isang kasama nya sa kanya.

Nangyari ang pagpupulong. Napansin nya na may kakaiba.

Matapos ang pagpupulong, nagpunta na sya kasama ang iba pa sa lugar na kung saan dumaraan ang mga sasakyan. Napansin nya na kinukulit nya ang isa nyang kasama at parang hindi mapakali. Hindi nya gaano pinansin yun dahil hindi naman nya kalapit ang mga yun.

Nakauwi na sya. Nag-pm sya. Nagkausap sila. Usap-usap tungkol sa kung anu-ano.

Lumipas pa ang mga araw na sila ay nag-uusap. Sa IM, sa text, sa personal. Kumakain na magkasama, salitan ng libre, at usap-usap pa.

Isang araw, sa kanilang pag-uusap ay nabanggit nya na may gusto syang isang tao. Hinulaan nya. Mali. Hinulaan nya uli. Mali. Sirit. Sya pala ang gusto nya. Inamin nya na gusto nya sya.

Walang nagbago sa kanila. Tuloy pa rin ang pag-uusap. Sa IM, sa text, sa personal. Kumakain na magkasama, salitan ng libre, at usap-usap pa.

Dumating ang pasukan at dumalang ang pag-uusap. Dumalang na rin ang pagkikita. Akala nya ay ayos pa. Nag-uusap pa rin naman sila sa IM pero parang sya na ang nauuna. Baligtad na. Sya na ang makulit at sya na ang maikli kung sumagot.

Hanggang sa may sinabi sya na kinainis nya. Hindi nya hangarin mang-inis bagkus ay talagang galing sa puso ang sinabi nya. Hindi rin naman nya inaasahan na isukli nya iyon. Pero wala na. Hindi na nagkaintindihan. Nagkalabuan na.

Hindi na sila nag-usap muli sa IM, sa text, sa personal.

Nawala na ang magic. Natuklasan nya na siguro na sya ay isang borap at sya ay hindi. Malamang ay nais nya na kalimutan ang mga pangyayari na nakasaad sa taas. Malamang ay hindi magandang ala-ala sa kanya ang mga ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya talaga alam kung bakit nagkaganito. Biglaan ang pagkaputol ng kanilang pag-uusap. Ayaw nya ng ganito pero hindi nya alam ang gagawin. Taon na ang binibilang pero nananatili pa rin syang hindi gumagalaw.

Hindi na ba maibabalik ang magic? Hindi na nya sya gusto pero maaaring ngayon, sya naman ang may gusto sa kanya.


VT Galang said…
Bakit “sila” hahaha third person point of view kuno? Eh ikaw ata yung lalaki ah! Hahahaha! Teka ayaw gumana ng JavaScript na code pala sa reply hohoho. JS.
Saturday, July 12, 2008 9:34:00 AM

Ardee Aram said…
Chinese?
Ay sorry wrong window.
Saturday, July 12, 2008 9:49:00 AM

Waldemar Bautista said…
No comment. Malay nyo tungkol sa inyo pala iyan.
Saturday, July 12, 2008 5:50:00 PM

RJ Arce said…
Mahal ka pa rin niya Waldemar, ‘wag kang mag-alala.
Saturday, July 12, 2008 9:55:00 PM

Waldemar Bautista said…
Haha. Pakain ka naman.
Sunday, July 13, 2008 12:09:00 PM

Tonio SM said…
Showbiz na showbiz ang reply ah. Alam na.
Sunday, July 13, 2008 6:43:00 PM