Ayokong isipin na ganun pero parang ganun na nga.

Bigla na lang tayo hindi nagpapansinan. Ako na naman siguro ang may kasalanan.

Nangyari na sa akin ito dati. Ilang beses na. Laging nauuwi sa hindi pagpapansinan.

May malaking mali talaga sa akin. Kasi hindi naman ikaw ang una. Hindi rin naman siguro ikaw ang huli.

Hindi ako marunong matuto.

Sabi ko pa naman dati na gagawin ko ang lahat para hindi mauwi sa ganito ang sitwasyon. Kasi para sa akin, mahalaga ka.

Sana nalaman ko man lang kung ano ang tingin mo sa akin.

Kasi parang gusto na kita. Oo. Gusto na yata kita. Hindi. Gusto na kita dati pa.