Tapos na ang pagtuturo.

Labas-pasok ako sa silid na iyon dahil inaabangan ko ang aking klase na gaganapin sa isa pang silid at ang aking lunch.

Nasa tapat ako ng pinto ng silid na pagdarausan ng klase ko nung ikaw ay dumaan.

Pumasok ka dun sa silid kung saan ako labas-pasok.

Sa pagkakatanda ko ay lumabas ka at dumaan pa sa likod ko.

Buong akala ko ay wala ka dun sa silid kung saan ako labas-pasok.

Ilang beses pa ako naglabas-pasok.

Pumasok uli ako.

Lumapit ako sa mga tao.

Humawak ako sa sandalan ng isang upuan.

Nakipagbiruan sa mga tao.

Naglakad papunta sa mga computer.

May lumapit sa akin at parang may senyales na ginawa.

Hindi ko agad naintindihan yun.

Nung palabas na ako sa silid tsaka ko na-gets.

Ikaw pala ang nakaupo sa upuan kung saan ako lumapit.

Hindi kita nakita.

Nandun ka lang pala.