Nakakatawa. Parang walang nagbago sa buhay ko. Nilipat ko dito mga dati kong blog. Tapos yung mga pinagsasasabi ko dati, pwede pa rin magamit ngayon. Ibang babae nga lang. Hahaha.

Pero hindi naman lahat negatibo. Yung hindi ko pag-inom ng softdrinks na sinimulan ko dati, napagpapatuloy ko pa rin ngayon. Pero may daya. Pag nasa ibang bansa ako, umiinom ako ng Fanta o ibang mga kagaya nito na matatawag na softdrinks. O kung dito naman, alak na may halong Coke. Tig-isang beses, Fanta at A&W na galing S&R. Ang sabi ko e imported naman kaya hindi counted. Hahaha.

Halos wala talagang nagbago e. Siguro napalitan ng K-pop ang J-pop? Kapag sa server na lang nakakapag-Linux? Wala talaga akong maisip. O baka wala na akong isip.

Tignan na lang natin mga mangyayari sa hinaharap. Hahaha.