Ilang araw ka na nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman tayo nagkikita. Hindi naman tayo nag-uusap.

Lumang tugtugin na ito. Lipas na ang mga araw. Ako na lang ang naiwan. Umaasa pa rin. Umaasa pa rin.

Hanggang kailan ako magiging ganito? Hindi na dapat nangyayari ito. Dapat na itong tapusin. Matagal na dapat itong natapos.

Muli na naman ako nag-drama. Muli na naman ako nagpapansin. At gaya ng mga naunang pagpaparamdam ko, muli mo na naman ito hindi mapapansin.


RJ Arce said…
Matindi.
Sunday, January 20, 2008 8:29:00 PM

Jobelle Avengoza said…
kilala ko na ngaun kung pra kanino to….
Monday, April 28, 2008 1:19:00 AM

Ardee Aram said…
martyr.
Monday, April 28, 2008 6:50:00 PM