Ang masayang lihim ay ang lihim na ikaw lang ang nakakaalam. Narinig ko pa nga dati sa kung saan na hindi na matatawag na lihim ang isang lihim kung alam na ito ng higit sa isang katao.

Ako ay may lihim. Isang pangyayari na nagpasaya sa akin. Mababaw lang ito pero sa dami ng mga nangyayaring kadramahan sa buhay ko e sapat na ito para mapasaya ako.

Wala akong balak pagsabihan ng lihim na ito. Akin lang ito sapagkat alam ko na hindi rin ito magtatagal. Darating din ang araw na hindi na rin ako mapapasaya nito. Marahil bukas, samakalawa, o sa isang linggo.

Hindi ko alam kung anong meron. At siguro ay hindi ko na malalaman pa. Basta kahit papaano ay masaya ako. Ok na yun. Wala akong iisipin at wala akong aasahan. Ok na yun.

Ang masayang lihim ay ang lihim na ikaw lang ang nakakaalam. Dahil kapag hindi nangyari ang gusto mo mangyari, ikaw lang ang malulungkot. Walang madadamay na iba. Ikaw lang ang iiyak. Walang madadamay na iba. Hindi malalaman ng mundo ang paghihirap mo. Makitawa ka na lang sa kanila.


RJ Arce said…
Ibahagi mo naman yang lihim mo. Para masaya rin kami. Haha!
Sunday, September 21, 2008 11:50:00 PM

Waldemar Bautista said…
Pizza muna! Hehe. Tsaka hindi rin kayo masasayahan kaya huwag na lang.
Monday, September 22, 2008 12:10:00 AM

Hobbies Bytes said…
O kainan na naman!!!
Monday, September 22, 2008 1:05:00 AM

Tonio SM said…
Share mo na. Kunwari ka pa e.
Monday, September 22, 2008 5:51:00 AM