Syempre, karamihan sa mga CS na makakabasa nito ay hindi sa akin sang-ayon. Ayos lang yun.

Nasa pang-anim na taon na ako sa CS kaya marami-rami na rin akong nakilala at naobserbahan. Katunayan ay tatlong batch na ang nadaanan ko. Ang 2002 kung saan ako talaga kabilang, ang 2003, at ngayon ay ang 2004.

Bakit ko ba nasabing whiners ang karamihan sa mga CS? Kapag may problem set na parating, isang nakakairitang “aaaaaaa” ang maririnig buhat sa bibig ng karamihan. Ganito rin ang reaksyon nila kapag may MP at lalo na kapag may exam. Para bang takot na takot ang karamihan sa mga ganitong bagay. Bahagi ito ng buhay ng isang mag-aaral. Dapat hindi na maging OA.

Pero kahit whiners ang karamihan, meron pa namang natitirang hindi. Sila yung mga nagsasabi ng “yown” kapag may MP na.


Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Yown!
Wednesday, July 11, 2007 9:47:00 PM

Ardee Aram said…
Yown! Haha tama ka dyan! Bato bato sa langit mga faithful students ko!
Wednesday, July 11, 2007 11:34:00 PM

Tonio SM said…
Yown! (nakigaya) Marami akong kilala na “aaaa” people.
Thursday, July 12, 2007 12:46:00 AM

Mai Sibayan said…
MP = chance to shine, chance to learn. The best part is ang sarap ng feeling pag natapos at mataas ang grade (even if otherwise) :) I never thought the “aaaaa” was associated with “I hate this”. It seems to me the natural reaction to “more work”, meaning more sleepless nights, staying in front of a student-grade (read: slow) computer etc.
Or probably some students still think it’s not cool to like homework, so they may say “aaaaa”, but deep inside, they know they like what they’re doing.
Or probably they just enrolled in the wrong course :P
Thursday, July 12, 2007 9:18:00 AM

vanie castro said…
Yown! Chance makabawi sa mababang written exams :)
Tuesday, July 17, 2007 1:38:00 AM