Dahil uso yata ngayon ang magpakabait, gaya ni Red, kahit hindi ako mahilig makiuso, ay magpapakabait na rin ako.

Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na banggitin ka sa mga kausap ko. Napag-uusapan ka kasi. Hindi tama iyon.

Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na gumawa ng mga madramang post na may kinalaman sa iyo. Hindi tama iyon. Huli na ito.

Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na makita mo ako. Kung sa IM nga ay ayaw mo na ako makita, sa totoong buhay pa kaya? Ayos lang sa akin iyon.

At syempre, magpapakabait na rin ako sa iba pang mga bagay.

Ayun.


Jobelle Avengoza said…
wa epek yan. pusta ka pa.
Wednesday, July 30, 2008 12:39:00 AM

Tonio SM said…
HA! Asa pa Wali.
Thursday, July 31, 2008 9:02:00 PM

Ardee Aram said…
Walang naniniwala sayo oh.
Kahit ako. Hahahah!
Friday, August 01, 2008 7:22:00 PM

Waldemar Bautista said…
Oo. Lahat naman kayo ganyan e.
Saturday, August 02, 2008 1:45:00 AM