Naalala ko dati sa klase ko na Geog 1 nung 1st sem ng aking pangalawang taon sa UP ay nag-field trip kami sa Mount Banahaw at sa iba pang lugar na may talon na hindi ko na matandaan ang pangalan.

Natatawa ako sa aking ginawa sa field trip na iyon. Hindi ako nagsalita buong araw. Ang bus na sinakyan namin ay medyo maliit. Ang upuan nya ay dalawahan sa column ng driver at isahan sa kabila. Sa isahan ako nakaupo at hindi ako namamansin. Tapos may dala akong walkman, oo walkman nga ang dala ko, at lahat ng album ng Parokya ni Edgar simula sa Khangkhungkhernitz hanggang sa Bigotilyo. Wala pa kasi nung panahon na iyon ang Inuman Sessions Volume 1 at ang Halina sa Parokya. At ayun. Nakinig lang ako buong panahon na ako ay nasa bus.

Nagsalita rin pala ako. Pero kaunti lang. At iyon ay nung wala kami sa bus at namamasyal sa labas. Ang kinausap ko nga lang nun ay yung naging kaklase ko sa PE.

Matindi talaga ang pangyayari na iyon. Sana maulit ko uli ang hindi pagsasalita at pagsasawalang-bahala sa mga tingin ng tao sa akin na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin.


XXXX YYYY said…
Masama yang ganyan. Hindi mo ako gayahin kaunti lang ako sa isang araw hindi nagsasalita.
Tuesday, May 08, 2007 2:18:00 AM