Hindi ito tungkol sa kulam.

Nagkataon lang na nitong mga nakaraang araw hanggang sa kasalukuyan ay nakakaranas ako ng iba’t-ibang uri ng pananakit ng katawan at gusto ko na lang isipin na may kumukulam sa akin.

Body ache.

Sumasakit ang likod ko na sa tingin ko ay dahil sa hindi ko pagtulog. Wala pang sandalan ang upuan ko sa harap ng computer kaya malamang ay ito ang may-sala. Dagdag pa, sumasakit din paminsan-minsan ang kaliwang braso ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka sa sobrang pagta-type.

Headache.

Sigurado ako na dulot ito ng sobrang pagharap sa computer at hindi pagkain.

Eye ache.

May salita bang ganito? Basta, masakit ang mga mata ko. Bukod sa pagtitig sa monitor, sa tingin ko ay dahil din ito sa gamot na pinapatak ko sa mga mata ko gabi-gabi.

Toothache.

Napansin ko na dati pa na gumagalaw ang mga ngipin ko sa baba. May isang ngipin na natutulak paloob. Akala ko ay ito ang sumasakit ngunit nung kinapa ko ay ibang ngipin ang masakit. Hindi ko alam kung bakit.

Heartache.

May nami-miss lang siguro ako.


VT Galang said…
Eye ache aray ko.
Sunday, May 13, 2007 12:46:00 AM

Tonio SM said…
Lagi ka naman ata may heart ache eh.
Tuesday, May 15, 2007 12:47:00 AM