Tayo ay magkaibigan.

Natuklasan natin na marami tayong pagkakatulad ngunit kitang-kita ang ating pagkakaiba. Sadyang hindi pantay ang antas na ating ginagalawan at kahangalan na ang pagsubok ko na pagtuntong sa antas mo. Ang pagnanais ko na lagi kang makausap ay kasakiman sapagkat ang kaligayahan ay nasa isang bahagi lamang ng pagsasama. Ang pagkakaintindi at pagkakadama mo ng aking mga nararanasan ay hindi nangangahulugan na parati kang naririyan at handang tumulong anumang oras. Dapat ipaunawa sa akin na kahit ikaw pa lamang ang pinakanakakaintindi sa akin ay wala kang gaanong panahon para marinig ang aking mga saloobin. Tuwiran itong salungat sa iyong kalagayan sapagkat maraming tenga ang handang pakinggan ang iyong mga problema. Gayunpaman, wala akong karapatan at dapat matutong makuntento kung ano ang mga dumarating sa akin.

Ayokong makipaglaro sa mga pusa. Mas masarap ang nasasaktan sa pamamagitan ng pagtatago ng mga problema sa sarili.


Wigi said…
Ang pag-ibig ay masakit pero kakayanin.
Friday, October 21, 2005 2:21:00 AM