Hindi ako naniniwala sa karma ng buo pero minsan ay may mga pangyayari talaga na mahirap ipaliwanag kaya napapaisip ako na malamang ay karma nga iyon.

Gaya nito.

# pacman --sync --refresh --sysupgrade

Ang command na ito ay nagre-refresh ng package list at nagu-upgrade ng mga package na outdated.

Araw-araw ko ito ginagawa. Araw-araw naman na walang problema. Kung meron man, maliit lang.

Pero bakit? Bakit kanina (kahapon na pala) ay bigla na lamang sumabog ang sistema ng computer ko? Biglang nawala ang mga user ng ganun ganun na lamang. Hindi na makapasok ng shell sapagkat nawawala na ang mga user. Hindi na maka-login sa desktop environment sapagkat nawawala na ang mga user.

Mabuti na lang at buhay pa si root. Baka may pag-asa pa. Gumawa ulil ako ng user.

# useradd waldemar

Aba, mahusay. Nabuhay ang isang user. Muli akong nakapasok sa shell. Pero bakit ganito? Ayaw tanggapin ng desktop environment. Nagkandagulo-gulo na. Mukhang iniba ng system upgrade ang UID (user id) ng mga user.

Dalawa ang naisip kong gawin. Butingtingin ang sistema hanggang umayos o mag-reinstall. Pinili ko mag-reinstall. Ayaw ko kasi may maiwan na kalat sa sistema at kung sakaling butingtingin ko ito, malamang may maiwan nga.

Inabot ako ng ilang oras sa pag-reinstall. Base packages lang kasi ang nasa CD na kinuha ko kaya kinailangan kong mag-download ng limpak-limpak na packages mula sa net. Isa pa, nag-backup pa ako ng maraming data kaya lalo akong natagalan.

Ano ang nawala sa akin? Ilang oras na sana ay nagugol sa mas makabuluhang bagay. Ano ba ang ginawa ko kaya ako kinarma? Ginawa, siguro wala. Inisip, marami.

At eto. Tumatakbo na ulit ang computer ko bagamat kulang pa sa mga kailangang package.


XXXX YYYY said…
Buti nga.
Tuesday, May 08, 2007 2:19:00 AM

VT Galang said…
Sayang fafa.
Tuesday, May 08, 2007 11:34:00 PM