Alam nyo bang dalawang beses ko na naramdaman si Kamatayan? Hindi ako nagbibiro. Totoo ito. Pero wala akong katibayan.

Unang beses ay nung high school ako. Nagising ako na parang napakatahimik ng paligid. Sinulat ko pa nga ang aking naging obserbasyon sa isang kwaderno kaso di ko alam kung nasaan na yun. Ang alam ko ay may mangyayari. Naramdaman ko talaga yun.

Nung araw na yun, nabalitaan ng klase namin na nasa ospital ang tatay ng isa sa amin. Ilang araw ang lumipas at sa kasamaang palad, sya ay binawian ng buhay.

Pangalawang beses ay nitong nakaraang taon lang. Ilang araw din akong nanaginip na nalalaglag ang mga ngipin ko at puro dugo ang bibig ko. Naikwento ko sa aking nanay ang aking panaginip at may pamahiin pala dati na ang ibig sabihin nun ay may mamamatay sa pamilya mo.

Matapos ang ilang araw, namatayan ang isa kong kakilala.

Hindi ko alam kung ano meron pero ganun e. Talagang nangyari ang mga bagay na nasa taas.


VT Galang said…
Horror edition ba ito ng blog mo Wali? In fairness natakot ako ah!
Wednesday, March 12, 2008 11:49:00 PM