Simula nung hindi na tayo nag-uusap ay napakaraming bagay na ang naisip ko tungkol sa iyo.

Busy ka. Yan ang dahilan kaya hindi na tayo nag-uusap. Napansin ko naman na totoo yun at wala akong reklamo dun. Naghintay ako sa araw na hindi ka na abala.

Hindi pa dumarating ang araw na iyon.

Asa pa akong may pakialam ka sa akin. Dahil sa tagal ng paghihintay, ito ang napagtanto ko. Ayos lang naman sa akin. Mababaw lang naman ang naging pagkakaibigan natin. Kung matatawag man na pagkakaibigan ang nangyari.

Pero ayaw mo umalis sa isipan ko. Pinilit kong mainis ako sa iyo. Naghahanap ako ng mga dahilan para ayawan ka. Lubayan mo na ang pag-iisip ko.

Hindi na tayo nag-uusap. Hindi na rin tayo nagpapansinan. Kahit tinginan lang kapag nagkikita o nagkakasalubong ay wala na.

At bakit ba sa dami ng mga posibleng mangyari, bigla tayong nagkasalubong kanina? At bakit ba bigla na lang tumingin ang mga mata ko sa iyo? At bakit ka rin nakatingin? Napaalis tuloy ang tingin ko sa iyo. Ngunit bakit bumalik ang tingin ko sa iyo? At bakit nakatingin ka rin uli?

Isang tingin mo lang at ako ay napaamo.*

  • pasensya na sa nagsulat ng Di Na Natuto na kinanta ni Gary Valenciano at nagaya ko ang linya na “isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo”

VT Galang said…
Hmmmm… May nahulog bang mga petals ng Sakura?
Friday, February 16, 2007 1:50:00 AM

Waldemar Bautista said…
Meron. At umihip ang hangin. At nagliwanag ang paligid.
Friday, February 16, 2007 11:55:00 PM