Nitong mga nakaraang linggo ay mainit ang ulo ko. Hindi lang halata pero mainit talaga ang ulo ko. Pero kung sabagay, mahirap talaga malaman kung mainit ang ulo ko o hindi.

Dumami kasi bigla ang aking mga gawain. Kaliwa’t kanan ang pangungulit ng mga tao. Wala pa akong ka-date sa darating na Valentine’s Day.

Syempre, biro lang yung huli kong sinabi pero yung unang dalawa ay seryoso. Dahil sa dalawang yun ay napilitan uli akong magpuyat. Alam naman nating lahat na kapag kulang sa tulog ang isang tao ay mas madali syang mayamot. Kulang na nga ako sa tulog tapos ay nagpunta pa ako dito na inabutan na ng pagsikat ng araw. Wala naman akong pagsisisi.

Pero ngayon ay unti-unti nang bumabalik sa dati ang aking modo (mood?). Kape, kain, at Timezone lang pala ang katapat nito. 157 na ang pinakamataas ko sa basketball. Wala lang.

Wala lang talaga.


VT Galang said…
Ibig sabihin nawalan ka ng modo? Nako dapat pala makalaban kita sa basketball, tapos may boxing pa ba dun sa Trinoma?
Saturday, February 16, 2008 12:14:00 AM