Oo, ikaw nga. Huwag kang manhid.

Hindi mo man lang maramdaman na nasasaktan ako sa silent treatment mo. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako binibigyan ng silent treatment kung hindi ay wala ka lang talagang pakialam na sa akin.

Hindi mo man lang maramdaman na hinahanap-hanap kita. Pero malamang e hindi mo naman talaga ako iniiwasan kung hindi ay wala lang talagang pagkakataon na nasa iisang lugar tayo.

Hindi mo man lang maramdaman na gusto kita. Pero malamang kahit alam mo man o hindi ay wala kang pakialam. Dahil you “don’t care” at it “doesn’t matter” naman, di ba?

Ako ang manhid. Hindi ko man lang maramdaman na pinagpipilitan ko na lang ang sarili ko sa iyo.