Hindi na ako makapagsulat. Naubos talaga ang aking enerhiya at nagbakasyon ang aking brain cells dahil sa isang medyo komplikadong programa na aking sinagupa. Sa katunayan nga ay hindi pa kami tapos sa aming pagtutuos pero sabi ko sa kanya e timeout muna. Subalit hindi rin tatagal ang aking pagpapahinga dahil kailangan ko na siyang magapi para tuluyang umayos ang sistema.

Hindi rin talaga ako nakakapagpahinga dahil patuloy pa rin ang dating ng mga kailangang gawin.

Hindi tuloy ako makapagsulat ng mga madadramang post.