Kung may false hope, may false happiness din.

Ano ba ang false happiness? Ayon sa aking karanasan, ang false happiness ay isang uri ng emosyon na alam mong dapat maging maligaya ka ngunit dahil sa maraming dahilan ay di mo magawa. Depende sa tao ang kadalasan na maramdaman ito. Halimbawa, kapag natupad na ang matagal nang pinapangarap ng isang tao na sa pagkakaalam nya ay sa panaginip lang maaaring mangyari tapos ay natupad lang iyon dahil sa isang di sinasadyang pagkakataon, sa ganitong sitwasyon nya maaaring maramdaman ang false happiness. Bakit kamo? Kasi alam nyang dapat syang maging masaya kasi natupad na ang pangarap nya kaso alam nya na di sinasadyang mangyari yun. Isa itong dahilan. Ang di sinasadyang pagkakataon o coincidence.

Isa pang dahilan kaya di magawang maging masaya kahit alam na dapat maging masaya na nagdudulot ng false happiness ay ang alam mo sa isang bagay o tao na kasali sa dapat magpapasaya sa iyo. Maaari itong tawaging background information. Isang halimbawa nito ay kapag ang isang tao ay napalapit sa taong gusto nya pero alam nyang may iba nang gusto ang gusto nya. Naaangkop itong halimbawa kasi alam nyang dapat ay maging masaya na sya kasi napalapit na sya sa taong gusto nya pero di nya magawa kasi alam nyang may iba nang gusto ang gusto nya at dahil nga ganito malamang ay di man lang mabalik sa kanya ang pagtingin nya.

Ang dalawang naunang dahilan ay maaaring pagsamahin para buuin ang isa pang dahilan. Ito ay ang di sinasadyang pagkakalapit o coincidental closeness. Maaaring makuha na sa dalawang naunang dahilan ang kahulugan nito kaya isang halimbawa na lang ang ibibigay ko. Halimbawa, may gusto ang isang lalaki sa isang babae pero may gustong iba yung babae. Tapos alam nung lalaki yun at alam naman ng babae na gusto sya nung lalaki. Tapos ang sitwasyon ay magkasama sila sa isang gawain at may mga pagkakataon na kailangan nilang maging malapit sa isa’t-isa. Sigurado na sa ganitong pagkakataon ay magiging masaya ang lalaki. Pero hindi nya magawang maging masaya. Bakit? Kasi alam nyang kailangan lang iyon para sa gawain nila na nagkataon lamang at alam nyang may gustong iba yung babae. Di na kailangang ipaliwanag pa, isa itong kaso ng false happiness.

Ang mga halimbawa ay hindi hinango sa tunay na buhay. A ewan.


Tonio SM said…
Interesting entry Mr. Waldemar.
Sunday, March 18, 2007 11:48:00 PM

vanie castro said…
amazing.. false happiness. nakakarelate ako. :)
Tuesday, March 20, 2007 1:20:00 AM