Liddle talaga yan at hindi little. Sya ay isang tauhan sa palabas na “The Assassination of Jesse James by the Coward Robert Ford”. Pangalan nya ang nilagay ko sa paksa dahil sadya nga namang napakahusay nito.

Sa Wednesday pa dapat ang Alone Time ko pero bigla akong napadpad kanina (kahapon na pala) sa TriNoma kasama si Wigi at si Red. Kumain lang kami sa KFC at nanood ng sine na nabanggit ko na sa taas ang pamagat. Bumili rin ako ng fries sa New York Fries and Dips. Yehey. At dahil nagtitipid ako, naisip ko na eto na ang Alone Time ko para sa Pebrero.

Hindi na naman ako alone sa Alone Time ko.