Nitong nakaraang Huwebes ay napadalaw ako sa dentista dahil sumasakit ang ngipin ko. Hindi ko inakala na pagkatapos nung pagdalaw na iyon ay kinakailangan ko na magpaalam sa dalawa kong ngipin.

Ang unang ngipin ay bubunutin sa susunod na Huwebes. Normal na paraan ng pagbunot ang gagamitin. Ito yung ngipin na sumasakit ilang araw na ang nakalipas.

Ang pangalawang ngipin ay pinayo na bunutin bago matapos ang taon. Hindi normal na paraan ang pagbunot na gagawin. Kinakailangan pa nito ng oral surgeon sapagkat nakahiga yung ngipin na bubunutin.

Kaya ayun. Malapit na ako magpaalam sa dalawa kong ngipin. Butas na ang hilera ng mga ngipin ko. Hindi na ako ngingiti. Hindi pala talaga ako ngumingiti.


VT Galang said…
“Nakahiga” ang ngipin mo? Kaw kasi hindi ka madalas matulog dati, yung ipin mo na lang ang humiga at natulog joke!
Saturday, May 19, 2007 11:13:00 PM

Mai Sibayan said…
Okay lang iyan. Pero iyung impacted mo na molar, masakit un! XD Good luck na lang :)
Monday, May 21, 2007 9:48:00 AM

Waldemar Bautista said…
Salamat Mai!
Monday, May 21, 2007 1:41:00 PM