Ako ay isang call boy. Minsan nagpapakita, minsan nagtatago at nag-aabang. Ngunit kahit ano pa man ang aking ginagawa, lagi akong handang mag-alay sa iyo ng panahon. Eto ang balikat ko upang iyong iyakan. Eto ang tainga ko upang iyong kwentuhan. Gamitin mo ang lahat ng akin upang ikaw ay guminhawa. Gulpihin mo ang katawan ko kung gusto mo maglabas ng galit o kung wala kang magawa.

Ako ay isang call boy. Huwag alalahanin ang aking nararamdaman. Tawagin mo lang ako kung kinakailangan. Ano mang oras o ano mang araw, darating ako sa isang sabi mo lang. Handa akong makinig sa iyong mga suliranin, handa akong makibahagi sa iyong kaligayahan. Kapag iyong napagsawaan, iwanan mo lang. Ako ay hindi hahabol.

Ako ay isang call boy. Ang serbisyo ko ay walang bayad. Ang kaligayahan mo lang ang tangi kong hangad.


XXXX YYYY said…
pwede ka daw ba? may bayad.
Tuesday, August 29, 2006 12:33:00 AM

XXXX YYYY said…
Hoy! Pinaparinggan mo ata ako ah? Joke hehehe. Peace! Mahusay. Puwedeng lagyan ng musika ala Radio Active Sago Project.
Tuesday, August 29, 2006 1:25:00 AM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Hahaha. Gawa na tayo ng banda!!!
Wohooo!!!
Tuesday, August 29, 2006 10:12:00 PM