Sa tuwing kita ay nakikita parang lagi kang sumusugod sa giyera. Humahangos ka rito, tumatakbo ka roon. Ang dami-dami mong ginagawa. Ang dami-dami mong inaasikaso.

Sa tuwing nangyayari yung nabanggit ko sa taas, nahihirapan ako. Hindi ko pa sigurado kung ano ang dahilan pero ang alam ko totoo iyon. Minsan gusto na kita pigilan pero wala naman akong dahilan. Minsan naman gusto kong makitakbo sa iyo. Ay ngayon ko lang naisip pero ang dahilan kaya ay dahil gusto kitang makasama at kahit ano pa ang iyong pinagdadaanan ay gusto kong makiramay? Ewan pero parang yun nga yata ang dahilan.

At dahil nga minsan na lang kita makausap sa personal sanhi na rin ng iyong pagiging abala, madalas na lang akong maghintay sa cyberspace. Minu-minuto kong tinitignan ang Buddy List ng Gaim ko upang malaman kung ikaw ay nandyan o wala. At pag ikaw ay nandyan na, nag-uumpisa ang aking kagalakan.

Nung una, madalas akong mag-pm. Nasusuklian naman ang aking pagiging pangahas sapagkat ikaw ay tumutugon. Pero nang lumaon, may mga panahon na hindi ka na sumasagot. Dito ako biglang nanghina. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Siguro galit ka sa akin. O kaya ay naiinis sa aking kakulitan. O kaya may kausap na iba na mas makabuluhan ang mga sinasabi. Siguro di ka masaya kapag kausap ako.

At nadagdagan pa ang aking mga iniisip simula nung maging “Busy” lagi ang iyong status. Ang ibig sabihin nyan ay abala ka di ba? Ibig sabihin hindi kita pwedeng gambalain. Ibig sabihin hindi na kita maaaring makausap. Kasi di ba hindi na kita nakakausap sa personal tapos sa online na lang akong umaasa pero “Busy” ka lagi. Minsan naiisip ko kung bakit nago-online ka pa pero “Busy” ka naman lagi. Di ba mas maganda kung hindi ka na lang nag-online. Pero syempre, wala naman akong kinalaman dun kaya kalimutan mo na sinabi ko.

Nasasaktan ako kapag “Busy” ang nasa iyong status. Nandyan ka na kasi pero hindi ko pa magawang makausap. Hindi naman ganito dati. Bakit kailangan pang magbago ang ating sitwasyon?

Ngayon ay online ka pero “Busy” uli. Gusto kitang i-pm dahil miss na miss na kita. Sasagot ka kaya? Huwag na lang at “Busy” ka.


Diwa del Mundo said…
When my heart is all i have to give
Without you I don’t think I can live
I wish I could give the world to you
But love is all I have to give….
Monday, July 03, 2006 10:09:00 PM

XXXX YYYY said…
ngarat nga
Friday, July 07, 2006 4:01:00 PM