Oo. Buhay pa ako.

Wala pa pala akong post ngayong 2009 kaya naisipan ko na sabihin ang mga nangyayari sa akin ngayon kahit wala naman kayong pakialam. Hehe.

Ako ay full-time programmer sa UP, part-time programmer sa Katipunan, part-time student sa UP, 40-minutes-a-week preschool teacher sa San Mateo. Samakatuwid, ako ay lampas sa 2 tao. Haha.

Hindi na ako nakakapagblog kasi tinatamad ako magkwento. Isa pa, marami sa mga gusto ko iblog e bawal. Mwahahaha.

Tambay din ako sa Plurk kaya hindi ko na nagagalaw itong Multiply ko. Hindi naman ako mahilig kumuha ng mga larawan o video kaya blog lang talaga ang ina-update ko dito. E kadalasan, mga one-liner lang ang gusto ko sabihin kaya sa Plurk na lang talaga. Sali kayo dun tapos gamitin niyo ang http://www.plurk.com/waldemar para magsign up. Para naman madagdagan ang friends invited ko. Wala kasi akong friends e. Haha.

Kung susumahin sa isang pangungusap ang buhay ko ngayon e eto ang sasabihin ko: Ako ay masaya.


Tonio SM said…
Wow, anong tinuturo mo sa mga kiddies?
Thursday, January 22, 2009 8:56:00 PM

VT Galang said…
Mabuhay!
Thursday, January 22, 2009 9:57:00 PM

Waldemar Bautista said…
GCompris. Hehe.
Thursday, January 22, 2009 10:55:00 PM

Ardee Aram said…
aba aba aba mahusay masaya si Wali!
Saturday, January 24, 2009 5:10:00 PM

VT Galang said…
Napakasaya niyan, ang kinis-kinis pa ng mukha nagpapafacial.
Sunday, January 25, 2009 9:00:00 AM

Waldemar Bautista said…
Haha. Ano yan? Haha.
Sunday, January 25, 2009 12:26:00 PM

VT Galang said…
Sabi ko lang ang pogi mo pare apir! Hahaha!
Sunday, January 25, 2009 12:46:00 PM

Miss Bea C said…
angyaman mo na siguro wal. daming trabaho. hehe
Friday, March 06, 2009 3:35:00 PM

Waldemar Bautista said…
Sana lang. Haha.
Saturday, March 07, 2009 12:00:00 AM