Binabawasan ko na ang pagdadrama ko. Hindi na nga ako nagpo-post e. Hindi na rin ako nanggugulo ng mga tao. Hindi na rin ako umaasa. Hindi na nga ako nag-iisip ng mga bagay na tungkol sa bahaging ito ng buhay ko. Pero mahirap malimutan ang mga ala-ala. Lalo na kung ikaw mismo ang nagpaalala.

Matagal na kitang hindi nakita at mas matagal na kitang hindi nakausap pero dahil sa pasikot-sikot ang aking landas na tinatahak ay muli kitang nakatagpo. Hindi ko alam ang aking ikikilos sa mga panahon na iyon kaya nanatili na lang akong tahimik. Ayoko na may masabi akong mali kaya mas pinili kong makinig na lang.

Unti-unting nasasayang ang gabi dahil narito ka ngunit di kita nakakausap. Tanggap ko na na ganito ang mangyayari kaya sinusubukan ko na lang itatak sa aking ala-ala ang lahat. Patuloy lang ang usapan ng mga tao sa ating paligid hanggang sa mabanggit mo sa kausap mo na gusto ko ng Slurpee.

At biglang nagbalik ang ala-ala ng Slurpee.

Hindi ko na sasabihin dito kung ano man yon. Hindi na nga ako nagdadrama di ba? Hehe. Pero kung sakaling libre ka, sana kahit minsan ay mag-Slurpee uli tayo tuwing madaling-araw.


XXXX YYYY said…
Ang drama talaga…
Wednesday, June 13, 2007 2:28:00 PM

XXXX YYYY said…
Ang drama talaga…
Wednesday, June 13, 2007 2:30:00 PM

vanie castro said…
kausapin mo na kasi :)
Sunday, July 08, 2007 2:09:00 AM