Sabi ni Diwa, ang ngarat ay isang taong nangagarap ng isang pangarap na alam naman nyang imposibleng matupad. Ganun ako. Ako si ngarat.

Una kitang napansin ng aking narinig ang iyong magandang pag-awit ng “Tell Me Where It Hurts”. Hindi pa kita nakikita nun. Ang alam ko lang ay naririnig ko na ang pangalan mo at ng iyong grupo. At sa tuwing naririnig ko ang kantang iyon, naaalala na kita. Pero hanggang dun lang iyon.

Mali pala ako. Kasi simula nung tumira ako sa aming opisina madalas na kitang naririnig. Akalain mo ba namang halos araw-araw e mga awit nyo ang pinapakinggan namin. Kaya ayun, unti-unti na akong nalulunod sa boses mo. Ibang klase ang naidudulot mo at ani nga ni Wigi, hindi kayang pantayan ng papiso-pisong kendi lamang.

Kapag ako mag-isa sa opisina, nilalakasan ko ang pagpapatugtog ng mga awitin nyo. Kapag may tao, sa headset ako nakikinig para malinaw. Inuulit-ulit ko ang pagpapatugtog. Hindi ako nagsasawa. Lalo pa nga akong nabibighani.

Hindi ko alam kung anong meron ka pero bigla na lamang naming naisip na manood ng gig nyo sa Bagaberde. Kaya ayon, nakita rin kita sa wakas. Maganda ka pala talaga. Paiba-iba kasi itsura mo sa mga larawan na aking nakita kaya hindi ko alam kung ano ang aasahan. Malas nga lang kasi malabo mata ko tapos malayo pa ang mesa namin sa entablado. Huhuhu. Masaya ang gabing iyon kasi bukod sa nakita kita ay nag-inuman pa kami ng tubig. Nais sana kitang masulyapan ng mas malapit pero hindi na kita naabutan nung lumabas kami.

Lumipas ang mga araw na napapagawi ka sa isipan ko. Huwag mo akong tanungin kung bakit kasi hindi ko rin alam.

At nakita uli kita. Pero mas malayo kaysa dati. Bitbit ko pa nga dalawa kong kapatid, nanood kami ng concert nyo sa Araneta. Ang galing galing mo. Walang halong biro. Naging taga-hanga mo na talaga ako.

Sabi ko kanina hindi ko alam kung bakit madalas ka sa isipan ko. Ngayon may hinala na ako. Siguro dahil iyon sa mga mata mong maririkit o kaya sa ngiti mong matamis. Siguro dahil minsan lang dumating ang isang kagaya mo dito sa mundo. May nararamdaman ako pero hindi ko masalin sa salita.

Kumpleto namin mga album nyo. Pati VCD meron. Madalas din ako sa website nyo. May poster nyo din kami. Pinapanood ko rin mga video nyo sa YouTube. Madalas kong tignan mga larawan mo. Balak ko pa ngang gumawa ng kanta na para sa iyo at sana ay awitin mo.

Ayun. Ngarat na naman ako. Gusto na ba kita e hindi naman tayo magkakilala?


vanie castro said…
walang halong biro.. yung ipod ni noel ay biglang nagplay ng tell me where it hurts habang binabasa ko ang post na ito. haha.
Wednesday, July 05, 2006 4:36:00 PM

Diwa del Mundo said…
Grabe na ito. B-)
Wednesday, July 05, 2006 5:34:00 PM

XXXX YYYY said…
ngarat talaga
Friday, July 07, 2006 4:01:00 PM

Wigi Vei ウィジヴェイ said…
Ngaratan na!
Monday, July 10, 2006 6:36:00 PM

Ardee Aram said…
ayan may multiply na ako. =)
Yikee. Pwede ka nang sumampa sa mesa, tapos sumayaw ng “Come on and get me get me, baby I’m yours, come on and get me…”
Wednesday, July 04, 2007 11:30:00 AM