Nakita ko ang paksa sa isang status message ni Todz sa Yahoo! at mukhang sakto ito sa aking sentimyento.

Bagamat hindi naman ganun ka-“long time ago” nung huli ko silang nakausap, parang ganun na rin ang pakiramdam sa sobrang patay ng linya ng komunikasyon na namamagitan sa amin. Pero matagal na rin talaga yun. Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nung huli ko silang nakausap ng maayos? Hindi ko na maalala.

Hindi ko sila sabay-sabay nakilala. Nauna sya, na graduate na, tapos sya, na hindi pa graduate, at sya, na magiging graduate pa lang. Sa kanilang tatlo, yung huli na lang ang nakakausap ko. Ngunit kahit nakakausap ko pa sya, mababaw na lang ang napag-uusapan namin at wala nang kinalaman sa personal na buhay ng isa’t-isa.

Ang graduate na.

Sya ang unang nagpatibok ng puso ko sa kolehiyo. Sya ang una kong seryosong nagustuhan. Iba ang naramdaman ko sa kanya kumpara sa iba na para sa akin ay cute lang. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap sya lagi. Dahil dun, kahit papaano ay may mga nalaman akong bagay tungkol sa kanya at lalo ko pa syang nagustuhan. Sinubukan ko mang itago pero nalaman din nya. At dumalang na ang aming pag-uusap hanggang sa umabot na sa hindi nya pagpansin sa mga PM ko. Alam kong naging abala na sya at hindi ko sya kailanman sinisi sa hindi pagpansin sa panggugulo ko. Tanggap ko na rin naman kung ano ako sa kanya.

A long time ago, you used to know me and I used to believe that we can be friends.

Ang hindi pa graduate.

Sya ang kauna-unahang babae na umamin na may gusto sya sa akin. Nagulat talaga ako dito. Hindi ko man lang nakita na parating ito. Kahit na sabihin natin na may nagsabi na sa akin ng ganun nung high school, iba pa rin ang tama nito kasi hindi ko naman sya gusto nung panahon na umamin sya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagkagusto sa akin na hindi ko naman gusto. Pero kalimutan na ang mga kasasabi ko pa lang. Ang pagkagusto na iyon ay mababaw lang at naglaho na. Kahit ganun man ang nangyari, naging masaya ang buhay ko nung kausap ko pa sya. Alam kong totoo ito sapagkat paminsan-minsan ay nangangarap ako at inaantabayanan ang PM nya. Na alam ko namang hindi na darating pa.

A long time ago, we used to talk often and somehow, I only realized your value when you started ignoring me.

Ang magiging graduate pa lang.

Kilala ko na sya bago pa nya ako nakilala. Dahil sa isang pangyayari ay nalaman ko ang pangalan nya at pati na Friendster nya na madalas kong tignan kahit wala namang rason. Maraming pagtingin sa Friendster pa at nagkausap din kami. Sa una pa lang ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako dapat magkagusto sa kanya. Nagawa ko rin ito ng ilang buwan ngunit natalo rin ako sa dulo. Nagkagusto ako sa kanya sa panahon na hindi na rin kami gaano nagkaka-usap. Ang tanging pampalubag-loob ko lang ay pinapansin pa rin naman nya ako kahit alam nya na na may gusto ako sa kanya.

A long time ago, we used to be almost friends and I still want that to happen.

At isa na namang post na hinugot sa kung saan.


VT Galang said…
Para itong si Aida o si Lorna o si Fe ah. Hmmm. Isa ka talagang idol!
Friday, March 30, 2007 12:12:00 AM

megan dino said…
Yung title mo, title ng isa sa mga kanta sa Music from the OC… pakinggan mo sya, okay sya. ;-)
Friday, March 30, 2007 2:11:00 AM

mica anne loraine libutan said…
cno po ung girl?
Thursday, June 14, 2007 6:42:00 PM