First Take

Dalawa o tatlong beses lang ako pumasok. Ganun din ang karamihan sa mga kaklase ko. Nagpapakita lang ang karamihan sa amin kapag may pagsusulit. Isa na ako dun. Hindi kasama ang pagpapakita na iyon sa dalawa o tatlong beses kong pagpasok. Pangit ang resulta ng aking mga pagsusulit. Ngunit malaki ang pag-asa pumasa. Ang paggawa ng 3 MP at 3 research ay katumbas ng pagpasa. Sinubukan ko gumawa. Nagpaturo pa ako sa isa kong kaklase sa isang tindahan sa Katipunan. May pinakilala sya akin habang nandun kami. Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lang ako tumigil sa paggawa ng 3 MP at 3 research.

Second Take

Sinipagan ko ang pagpasok bagamat madalas ay huli. Mas naunawan ko ang mga aralin kumpara nung una. Bigla syang nag-PM sa akin at nagtatanong tungkol dito. Simula ng madalas naming pag-uusap. Mababa pa rin ang resulta ng aking mga pagsusulit ngunit mas mataas naman kaysa dati. Mabilis kong natatapos ang mga MP. Tinulungan ko pa nga sya sa pangalawang MP sa labas ng department. Nag-aral na talaga ako pero dahil sa ilang pagkakamali, sumabit pa rin ako.

4, 5.

Third Take

Walang 131 ngunit may 204. Sumugod at nagbakasakali. Nung una, akala ko kaya na. Makalipas ang ilang buwan, biglang humirap. Nawalan na rin ako ng panahon. Gabi pa.

Drp.

Fourth Take

Ano kaya ang naghihintay?


VT Galang said…
Huuu si Waldemar?
Tuesday, May 08, 2007 2:03:00 AM

XXXX YYYY said…
Grabe a. Sabi ko sa’yo e sabay nalang kayo ni karl ayaw mo maniwala.
Tuesday, May 08, 2007 2:11:00 AM

megan dino said…
Good luck naman Wal! :)
Tuesday, May 08, 2007 9:05:00 AM