Hello
Sinasagutan ko na ang pagsusulit nung napansin ko na lumapit ka sa bag ko. Habang sumasagot, laging sumasagi sa isipan ko na may magandang mangyayari. Natapos ang pagsusulit at nagpunta na ako sa bag ko. May tsokolate na Hello. Maraming salamat.
Ayoko
Ayoko. Ayoko na maging malungkot. Ayoko na maging sinungaling. Ayoko na mag-isip. Ayoko na sabihing ayoko sa iyo. Ayaw mo sa akin. Wigi Vei ウィジヴェイ said… Sino ang tinutukoy? Palagay ko, ayaw sabihin ni Wali. Hehehe! Monday, October 16, 2006 12:08:00 AM XXXX YYYY said… Ayoko nga daw eh hehehe. Hindi niya sasabihin. Monday, October 16, 2006 2:20:00 PM Tonio SM said… Mahal mo siya, pero hindi mo siya iniibig....
Mga Puno
Naaalala ko nung bata pa ako, madalas akong nasa tuktok ng puno ng duhat namin. Kunwari raw isa akong piloto at ang puno ng duhat ang spaceship. Maganda kasi ang hugis ng puno na iyon. Para syang tatsulok at pag nasa tuktok ka, halos wala ka nang magalawan. May mga sanga na maaaring maging upuan. Ang ibang sanga ay maaari maging manibela. Yung iba pang sanga ay mga pindutan. Sa tuktok na iyon ko sinasagupa ang mga kalaban....
Dilemma o Dilemna?
Tanong: Anong sinabi ni Nelly kay Kelly nung biglang nag-brownout? Sagot: Dilem a. Hindi sa akin galing ang joke na yan. Narinig ko lang dati. Nabanggit ko lang kahit walang kinalaman sa post na ito. Ano nga pala ang tama, dilemma o dilemna? Ako ay naguguluhan. Oo, ang gulo talaga. Hindi ko na nga maintindihan sarili ko ngayon e. HIndi ko pa maalala kung ano ang tamang paggamit ng “ng” at “nang”....
Walang Kuryente
Pangatlong araw na ngayon na walang kuryente. Pero dahil madaling-araw na ng Linggo, maaari na ring sabihing nag-uumpisa na ang pang-apat na araw na walang kuryente. At dahil walang kuryente, nahinto pansamantala ang aking pangkaraniwang buhay. Akala ko pa naman makakahabol na ako sa trabaho nung sinabing walang pasok ngunit hindi rin pala. Sa ngayon, ako ay nakadapa sa kutson at sinusulat ito. Si Marte, si Pio, at si Red ay nasa may pintuan at nagbabasa ng manga ng Slam Dunk....
Borap
Sa pagbubukas ng bagong liwayway, matatagpuan ang isang bobong mahirap na nakatanaw sa kawalan. Itong bobong mahirap na itago natin sa pangalang Borap ay pagod na sa kakaikot at naupo muna upang magpahinga. Sa kanyang pagtunganga, hindi nya maiwasang maalala ang mga naganap sa kanyang walang kalatoy-latoy na buhay. Dalawang taon syang nagpagala-gala na walang katiyakan sa pupuntahan simula nung sya ay napadpad sa lugar na iyon. Paglalaro at pagkain lang ang kanyang inatupag kasama ang mga kapwa bobong mahirap....
Maligayang Kaarawan!
Maligayang kaarawan! Kilala mo pa ba ako? Sana oo. Ikaw, madalas ka pa rin sa isipan ko. Naaalala ko pa rin ang mga sandali na kahit papaano ay nakakausap kita. Kahit papaano ay nakakapiling kita. Kahit gaano pa kaikli ang mga sandaling iyon, naging sobrang halaga nila sa akin. Totoo yun. Nagpapasalamat ako sa iyo dahil sa mga iyon. Pero lahat ng bagay ay nagbabago. Kaya nung dumating sa punto na kinailangan na magbago ang buhay mo, sa kasamaang palad ay hindi ako nasama....
Ang Kumpanya
Kahapon, Sabado, Setyembre 9, 2006, ay nagkaroon ng pagdiriwang ang aming samahan sapagkat isang taon na kaming may sariling opisina. Nakakatuwa at nagawa naming tumagal sa gusali na iyon. Ibang klaseng kasiyahan talaga. Taong 2003 nung unang nabuo ang ideya na magtayo kami ng isang kumpanya. Habang kumakain sa Red Ribbon sa Katipunan at bangag sa Math 54, nailabas namin ang aming kagustuhang magkaroon ng isang kumpanya. Pauwi na kami nang napagkasunduan ang ipapangalan sa kumpanya....
Si Aida, si Lorna, at si Fe
Si Aida. Nakapag-usap na tayo kahit hindi pa tayo nagkikita sa personal. Iba ang pagkakalarawan mo sa akin kaya nagulat ka nung nagkaharap na tayo. Pagkatapos ng tagpo na iyon, napadalas ang ating pag-uusap. Kahit ano lang ang ating naging mga paksa pero mas naging madalas ang tungkol sa mga teknikal na bagay dahil na rin sa ating proyekto. Kahit papaano, naging malapit din tayo sa isa’t-isa. Ngayon, hindi na tayo nakakapag-usap....
Call Boy
Ako ay isang call boy. Minsan nagpapakita, minsan nagtatago at nag-aabang. Ngunit kahit ano pa man ang aking ginagawa, lagi akong handang mag-alay sa iyo ng panahon. Eto ang balikat ko upang iyong iyakan. Eto ang tainga ko upang iyong kwentuhan. Gamitin mo ang lahat ng akin upang ikaw ay guminhawa. Gulpihin mo ang katawan ko kung gusto mo maglabas ng galit o kung wala kang magawa. Ako ay isang call boy....
Bulilyaso sa Equitable PCI Bank
Ang post na ito ay hindi tungkol sa babae. Nung Biyernes, Agosto 18, 2006 naganap ang mga kabulilyasuhan na aking ilalahad. Hindi ko alam kung may salitang “kabulilyasuhan” pero ginamit ko pa rin at gagamitin ko pa kaya pagbigyan nyo na lang ako. Kung napansin nyo, “mga kabulilyasuhan” ang aking nilagay. Tama yun dahil hindi lang isa ang nangyari. Nilagay ko lang sa paksa ang Equitable PCI Bank dahil pinakamalala ang nangyari dun....
Ayun
“Ayun” ang madalas mong sabihin pagkatapos mo magkwento. Iyan din ang sinasabi mo kapag wala kang masabi. At kapag naririnig ko ang salitang iyan, naaalala kita. Mahaba pa sana ito pero nasabi ko na sa iyo ang mga plano kong isulat dito. Sana mapatawad mo ako. Ayun. Mai Sibayan said… waldemar - korni forever :D Collectors’ item na iyung mga status mo sa YM. Friday, August 18, 2006 2:58:00 PM...
Ang Extra sa Buhay Mo
Kanina, habang kumakain ako ng Crispy Chicken Strips ng Jollibee ay sumagi ka sa isipan ko. At sa tuwing napapagawi ka sa aking kamalayan, naaalala ko ang mga pangyayari sa buhay ko na kinasangkutan mo. Natanong ko tuloy sa sarili ko ang hindi ko man lang natanong sa iyo. Ano kayang tingin mo sa akin? Ang pagkakaalam ko ang unang tingin mo sa akin ay isa akong sabog na tao. Nakilala mo kasi ako nung mga panahong ako ay naka-“gupit-waldemar”, ani nga ni Ardee, at laging tulog sa klase....
Adik sa Iyo
Nag-umpisa ang lahat sa iyong pagtatanong ng ilang bagay tungkol sa ating aralin sa CS 131 o Numerical Methods. Hindi ko na matandaan ang ginagawa ko nun pero ang alam ko ay nagulat ako nang biglang nakita ko ang iyong pangalan sa pag-notify ng Gaim sa akin na may bago akong mensaheng natanggap. Nagulat talaga ako kasi pinansin mo ako. Bagamat hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-usap tayo, ang alam ko ay hindi naman tayo magkakilala at hindi rin naman tayo nag-uusap kaya hindi ko kailanman inasahan na mamamansin ka....
Online Friends
Para sa mga taong madalas mag-online, para sa mga taong gumagamit ng IRC, para sa mga taong may IM, para sa mga taong nage-email, para sa mga taong nagpaparamdam sa Internet . . . para sa inyo ito. High school na ako nung una kong nadiskubre ang electronic mail o email. Naglagay ang kuya ko ng Edsamail sa kompyuter at aba naman ok sya. Biruin mo e hindi mo na kailangang mag-online para gumawa ng email....
Save
Sa mga makakabasa nito, ugaliing mag-save. Aksidente kong na-refresh ang browser at nawala lahat ng sinusulat ko. Ang haba pa naman nun. Huhuhu.
Dalawang Pangarap
Meron akong dalawang pangarap dati. Pero bago pa may magtanong ay sasabihin ko na na hindi sila natupad. Ano ang dalawang pangarap? Nasa baba ang kasagutan. Nung tumuntong ako sa kolehiyo, nawala ang kapaligiran ko dati sa high school na “Section 1”. Yun bang inaasahan ng mga guro na dapat ay mataas lagi ang mga marka mo sa lahat ng mga asignatura o kaya ang manalo sa mga patimpalak na isinasali ka o kaya ang simpleng pakiramdam na dapat ay angat ka sa nakararami....
UP
https://photos.app.goo.gl/n67N1RUHjjzt51Ti8 Diwa del Mundo said… Hoy bag ko yon ah! Wednesday, July 05, 2006 5:35:00 PM Waldemar Bautista said… Bagong raket mo. Linis bintana. Saturday, July 22, 2006 3:57:00 AM Wigi Vei ウィジヴェイ said… Astig talaga yung mga sumasayaw sa Shell. Bagong species. Sunday, July 23, 2006 2:45:00 PM XXXX YYYY said… Lufet papa Wali! Friday, August 04, 2006 1:08:00 AM
La Mesa Eco Park
https://photos.app.goo.gl/KfkU5hVjprMQpXNP6 Wigi Vei ウィジヴェイ said… Help save the La Mesa Watershed! Sarap ng ating field trip. And dami kong nakita na mga animal. Hanep din ang diskoberi natin ng Homo Ngarat species. Monday, July 03, 2006 5:52:00 PM Diwa del Mundo said… The best ang outing! Outing ulit tayo in the near future. Ang dami nating specie ng animal ang nakita. wahoo! Monday, July 03, 2006 9:52:00 PM Waldemar Bautista said…...